Sweet Chapter Fourteen ♥ "Follow Your Heart"

72 6 0
                                    

Sweet Chapter Fourteen ♥ "Follow Your Heart" ♥

Yhannie's POV

Ang tagal naman nila magsidatingan dito, inip na inip na ako dahil hindi pa kami kumpleto. Wala pa sina Keshin at Oliver, isama mo na yung matanda naming manager.

Nakakaboring din ang sobrang pagkatahimik sa loob ng office ni Manager Eula. Lahat sila ay may sari-sariling mundong tinatahak. Si Ellarie at Basshi ay nagdadaldalan ng walang ingay, Love life nanaman yata ang pinaguusapan. Napakachismosa talaga ng dalawang yan. Sarap putulan ng dila, para mabawasan na ang mga chismosa sa Mundong Earth. Habang si Shaira naman ay naglalaro ng Games sa iPhone niya. Wala na bang makakausap dito? Napalingon ako kay Chester na seryosong nakatingin sa baba ng floor na para bang may iniisip. Sino kaya iniisip niya? Baka ako? kaya nilapitan ko siya.

"Chester, okay ka lang? kanina ka pa kasi hindi naimik diyan eh." pasweet kong sinabi sa kanya

Tumingin siya sa akin pero saglit lang. Hindi man lang sinagot ang tanong ko? Napakasuplado talaga ng lalaking 'to. Halikan kita dyan eh. Lumapit ako sa kanya at inayos ko na lang ang dalawang naka-unbotton na butones na suot-suot niya, Ang hot niya kasing tignan at baka may iba pang girls na mag tangka sa kanya dyan. Hindi pwede dahil ako lang ang para sa kanya.

Di katagalan biglang dumating sina Oliver at Keshin na magka-holding hands. Para silang pagod na pagod pero nagagawa pa rin nilang tumawa. Saan naman galing ang dalawang yun? Naghihinala pa rin ako kung bakit. Tumingin sa aming dalawa si Keshin ng kakaiba habang hawak-hawak ko pa ang polo ni Chester.

"Okay ka lang ba Yhannie?" nagulat ako sa biglang pagsalita ni Chester. Himala? Anong nakain niya?

"Oo naman! ehh ikaw?" nakangiti kong sabi at hinawakan ang magkabilaang kwelyo niya. Hinila ko siya dahan-dahan.

"I'm always fine, Lalo na kapag nakikita kitang nakangiti" wahh. Ngayon ko lang siya nakita na ganyan ka sweet. Hart hart. sana lagi na lang siyang ganyan. Halos malaglag na ang panty ko sa sobrang kilig.

"Ang sweet mo naman" nakangiti kong sabi sa kanya at napahawi sa buhok.

Chester's POV

"Chester, okay ka lang? kanina ka pa kasi hindi naimik diyan eh." pasweet na sinabi ni Yhannie

Tumingin ako sa kanya pero saglit lang. Hindi ko na siya sinagot dahil ayaw kong masira lalo ang araw ko. Sira na nga sisirain pa. Nagulat na lang ako ng biglang lumapit siya sa akin at inayos ang naka unbotton na butones sa polo ko. Pipigilan ko sana siya ng biglang dumating sina Keshin at Oliver na magka-holding hands. Mukha silang pagod at nagawa pang tumawa pero natigil din siya at napatingin sa amin ni Yhannie ng kakaiba. Nagtataka ako kung bakit ganoon na lang siya makatingin sa aming dalawa kaya gumawa ako ng test upang mapatunayan kung totoo ba ang iniisip ko.

"Okay ka lang ba Yhannie?" tumingin ako sa kanya at ngumiti siya.

"Oo naman! ehh ikaw?" nakangiting sagot niya at hinawakan ang magkabilaang kwelyo ko. Hinila niya ako dahan dahan.

"I'm always fine, Lalo na kapag nakikita kitang nakangiti" nakita kong nagblush siya. Hindi yata siya makapaniwala sa nangyayari. Nararamdaman kong kinikilig siya.

"Ang sweet mo naman" nakangiti niyang sabi at napahawi ng buhok.

Nang paglingon ko nakita ko silang naglalakad papasok sa loob ng magka-holding hands. Akala mo walang nakita. OUCH. katapusan na ng mundo ko. Dinedma lang kami ibig sabihin wala siyang feelings sa akin. Sa bagay ano nga naman ba ako sa buhay niya?

Tumayo ako at umalis sa harap ni Yhannie. Hindi ko na kinaya ang kasweetan na ginagawa namin. Kinikilabutan na ako. Umupo ako sa isang tabi. Tawanan lang sila ng tawanan. Minsan tinitignan ko siya pero pag alam kong lilingon na siya iniiba ko ang direksyon ng aking tingin. Masaya silang nagkukwentuhan nila Basshi, Ellarie at Oliver tungkol sa mga nangyari sa restaurant.

Sweet Days (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon