Sweet Chapter Seventeen ♥ "The Secrets"

49 6 0
                                    

Sweet Chapter Seventeen ♥ "The Secrets"

Keshin's POV

Nang matapos yung meeting, nauna na akong lumabas. Gabi na ako ng nakalabas sa Building. Hinihintay ko ko yung driver namin sa labas ng Agency Building. I will text our Driver na lang para sunduin ako dito. Maya-maya may lumapit sa aking lalaki na naka Black Jacket, Black Pants, Black Cap, Black Shoes at Huh? Black Sun Glass? Gabi na ah? Bulag ba siya? o kaya baka naman magpapa-autograph lang. Kaya nagpakampante lang ako dahil sana'y na ako dyan. Ise-send ko na yung message ko ng bigla akong tutukan ng kung ano sa likod.

"Hold Up 'to" Sigaw niya

Holdaper pala. (T3T) Bakit ba kapag nanghoholdap kailangan pang ipagsigawan? Proud to be lang? Kinabahan ako dahil sa tutok-tutok niyang baril sa akin. Baka bigla na lang akong barilin nito kapag hindi ko naibigay ang gusto niya. Huhu I love my life.

"Ahhh... Ganun po ba? Okay" Mahinahon at kalma kong sinabi. Baka kapag nagtaas ako ng boses bigla na lang akong humilata sa lapag. I'm scared.

"Akin na yang Cellphone mo!" paghihingi niya pa sa Cellphone ko.

Kukunin niya na sana yung cellphone ng pinigilan ko siya.

"T-teka lang naman kuya! isesend ko lang!" Binitawan niya naman at nagmadali akong isend yung message ko sa aming Driver. Baka kasi hindi ako masundo ni Manong eh. Bastos talaga 'tong holdaper na'to kitang hindi pa nakakapagsend eh. Nagmamadali?

Nang matapos ko ng isend yung message ko. Ibinigay ko sa kanya ng dahan dahan. Papaalis na sana siya ng bigla ko nanaman siyang pigilan. May naisip lang ako.

"T-teka lang! Kukunin ko lang yung sim card ko hehe... Kung pwede lang! Pati na rin pala yung Memmory card ko" nakangiti kong sabi sa kanya

Bumalik siya at ibinalik niya ulit sa akin yung phone ko. Napakamot siya sa batok at tinutukan nanaman ako ng Baril. Naiinip na siya siguro.Kinuha ko yung sim card, marami kasi akong katext mate dito at pati na rin yung memory card ko, Marami kasi akong mga picture dito eh. Di ko pa naa-upload atsaka baka gamitin niya ang mga ito sa masasamang kalokohan. Nang matapos na akong kunin , ibinalik ko ulit sa kanya. Kumaripas agad siya ng takbo. Di man lang nagpasalamat.

"Bye! Wala bang thank you?" Paalam at tanong ko sa kanya habang winawagayway ko pa ang aking kanang kamay.

Lumingon lang siya at nagthumbs up. Nang makalayo layo na siya, napauo ako sa lapag at napasapo sa noo. Nakakatakot. Para bang ngayon lang nagsisipasulan ang mga kaba na dapat kanina ay nararamdaman ko. Ngayon lang nagsipasukan ang mga kaba na kanina ko pa pinipigilan. Nanghihinayan ako dun sa phone dahil kakabigay lang yun ni Mommy sa akin as a gift. Di man lang nagpasalamat sa akin.

Ilang araw ko lang iyon nahawakan. Dibali bibili na lang ako ulit pero memorable kasi sa akin yung phone na yun eh. Dun ko unang nakausap si Chester. Naaawa ako sa kanya dahil baka malaki ang kanyang pangngailangan kaya nagawa niya ang bagay na iyon. Baka wala siyang ipapangbili ng gamot ng parents niya? O kaya sa anak niya? O di kaya wala siyang pambili ng pagkain? o kaya adik siya at wala ng pambiling drugs? (O.O) nauunawaan ko siya. Drug pusher din pala ako? Nag-shade din kasi ako kahit gabi na nung nasa Watty land Park kami ni Chester. Naalala ko nanaman siya. Kinakabahan pa rin ako sa nangyari kanina. Nagiisip pa rin ako ng malalim habang nakaupo sa lapag.

Maya-maya may lumapit sa akin.. Baka holdaper nanaman, wala na akong maibibigay sa kanya bukod sa ATM ar Credit Card ko.

"Miss okay ka lang ba?" itinayo niya ako

Nang makatayo na ako, Nilingon ko siya agad kong nakita ang nangangambang mukha niya at bigla ba lang bumilis ang takbo ng puso ko. Yinakap ko siya ng nahigpit. Bigla na lang lumabas yung mga luha ko. Ayaw ko sanang umiyak pero bigla na lang tumulo ang aking luha sa sobrang kaba. Hindi ko lang nailabas kanina. First time ko lang naranasan ang ganito. Dati kapag napapanuod ko ang holdapan  sa TV naiinis pa nga ako sa hinuholdap dahil pwede niya namang labanan pero kapag ikaw na pala ang nasa sitwasyon, lulunukin mo lang pala ang mga nasabi mo.

Sweet Days (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon