Sweet Chapter Fifteen ♥ "First Date Ever"

79 8 0
                                    

Sweet Chapter Fifteen ♥ "First Date Ever"

Keshin's POV

Watty Land Park

Hindi katagalan nakarating din kami sa Watty Land Park.

Una siyang bumaba at pinagbuksan niya ako ng pinto. Kinuha niya ang aking kanang kamay. Pagkababa ko napanganga ako di dahil sa may kutsarang dadaan kundi sa sobrang ganda ng paligid. Para akong napadpad sa NUVALI. Hindi lalayo ang itsura nila pero mas maraming naidagag sa Watty Land Park. Napakaraming iba't ibang kulay ng ilaw na iyong makikita, sobrang liwanag ng paligid kahit gabi na. Mayroong side walks, playground, Big Water Fountains, Fish Pond under the Bridge, Mini- Stage for the simple Concert, May perya kung tawagin ng iba na puro games, may mga vendor sa paligid na nagbebenta like Popcorn, Cotton Candy, Balloons, Ice Cream, Drinks, T-Shirts, Souvenirs, at iba- iba pa., may mga bench na malapit lang sa side walk na nakaharap sa Watty de Bay, may mga hotels, Restaurant, Cinema, Pizza Resto, Coffee shop, Souvenir Shop, at iba pa. I can't describe kung ano ang whole description ng lugar na ito dahil lahat na ng hahanapin mo ay nandito na. Ang sarap sa lugar na ito. Halos lahat ng tao ay masaya, yung tipo bang pag nakatungtong ka sa lugar na ito ay mawawala ang lahat ng problema mo. This is the best place that i ever seen.

"Wow. This is the best place ever!" manghang mangha na nasabi ko habang pinagmamasdan ang buong paligid.

Papatakbo na sana ako para i-enjoy ang ARAW na ito ng bigla kong naisip na GABI na pala. De joke papatakbo na sana ako ng biglang hinila ni Chester ang aking kamay para pigilan ako.

"Wait lang! Wag masyadong excited! remember were a celebrity and were not a normal person" pagpipigil niya sa akin kaya napatakip ako ng bibig.

"Ayy. oo nga pala! I am sorry tao lang nakakalimot" sarkastikong nakangiti kong sabi sa kanya.

Masama bang ma-excite sa sobrang ganda ng place? Hinila niya ako sa bilihan ng mga maskara na meron ding mga Shades , Wigs at iba't iba pang accessories.

Chester's POV

Chapter's Song: Ngiti by Ronnie Iiang just play the song at the right side.

Hindi katagalan nakarating din kami sa paborito kong lugar na paniguradong magugustuhan niya rin. Dito ako napunta kapag may problema ako, at pag nakatungtong na ako sa lugar na'to para bang unti-unti na lang ito naglalaho. Nakakawala din ng stress dahil sa iba't ibang masasayang bagay na mayroon dito. Nangako pa nga ako dati na Dito ko dadalhin ang kauna-unahang taong mamahalin ko.

"Wow. This is the best place ever!" manghang mangha niyang sabi.

Papatakbo na sana siya ng bigla ko hilain ang kanyang kanang kamay para pigilan.

"Wait lang! Wag masyadong excited! remember were a celebrity and were not a normal person" pagpipigil ko sa kanya at napatakip siya ng bibig.

"Ayy. oo nga pala! I am sorry tao lang nakakalimot"  sarkastikong nakangiti niyang sabi pero para siyang dissapointed

Hinila ko siya sa bilihan ng mga maskara meron ding mga shades, wigs at iba pa. Pumasok kami at namili kung ano ang aming gagamitin para mag disguise. Nagsukat kami ng kung anu-ano at buti na lang ay walang masyadong customer na napasok. Hindi rin yata kami masyadong kilala nung Tindero, matanda na at mukhang hindi nanunuod ng television. Siguro dahil sa busy na siya sa pagtitunda mas priority niya pang magtinda para magka-pera.

"Chester okay na ba ito?" pagtatanong ni Keshin, ng lingunin ko siya suot-suot niya ay malaking shades at wig na pink ala Mikkie Manajs. Bigla na lang akong natawa dahil umakting pa siya na akala mo'y siya si Mikkie Manajs. Nag thumbs up ako na ang ibig sabihin ay okay lang. Kumuha ako ng maskara at isinuot ko.

Sweet Days (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon