Prologue

51 4 0
                                    

Limang minuto..

Pagkalipas ng limang minuto..

Bigla kong naramdaman na parang nahati sa dalawa ang aking puso.

Napapikit nalang sa sobrang sakit.

Hindi ako makahinga.

Hindi rin makagalaw..

Napaluhod nalang ako.

Apat na salita lang sinabi mo, pero parang biglang gumuho yung mundo ko.

Limang daang araw na pinagsamahan, parang wala lang pala sayo.

Anim na araw kang naglaho, ngayo'y bumalik pero iniwan ulit akong bigo.

Pero mas grabeng kabiguan na itong nadarama ko.

'Di ko matanggap. Talaga bang iiwan mo na 'ko?

Sa paraang ganito?

Wala kang rasong binigay.

Ni isang huling yakap, wala.

Ni isang sorry, wala.

Ni hindi ko nakita sa mga mata mo na nalulungkot ka, na sa buhay ko ika'y mawawala na.

Para ngang masaya ka pa na ako'y iiwan mo na.

Tatanggapin ko nalang na wala na kahit masakit.

Limang minuto..

Pagkatapos mong sabihin ang mga katagang humati sa puso ko, naghintay ako ng limang minuto, nagbabakasakaling na ang sinabi mo'y isa lamang biro.

Pagkatapos ng limang minuto, binuksan ko ang mga mata ko at ika'y bigla nalang naglaho.

Pero itong tatandaan mo, ang pagmamahal ko sayo, kailanma'y 'di maglalaho.

Limang minuto..

Naramdaman ko nalang na nahati yung puso ko.

Pero ayos lang.

Isang pribilehiyo na mahati ang puso ko nang dahil sayo.

---

Author's Note:

"It would would be a privilege to have my heart broken by you." - John Green

Kung naluha ka sa umpisa, luluha ka pa rin pag natapos na.

Pero 'wag kang mag-alala dahil ika'y maluluha sa kakatawa.

Hahahaha! Ansabe? New story guise! Sana suportahan niyo pa rin akiz. Thankyou!

5 Minutes Of SummerTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang