Chapter 13

1.8K 51 33
                                    

Changed



Abala ako sa pag-aayos ng sarili dahil mas maaga ngayon ang klase ko. Maya-maya pa ay bigla akong kinatok ni nanay sa kwarto.

"Anak, may naghahanap sa 'yo sa labas, kaibigan mo daw?"

Unang pumasok sa isip ko si Lessur pero agad naman akong nadismaya ng mapagtanto kong hindi ganyan ang paraan ng pagtawag ni nanay sakin tuwing nandito si Lessur.

Anak nandito na si Lessur bilisan mo na diyan wag mo na paghintayin ang tao!

Sauladong-saulado ko na 'yan simula pagkabata pa lang.

Lumabas naman agad ako para tingnan ang bisitang sinasabi ni nanay.

"Hi!" Natigilan ako nang makita si Ryder. "Nagulat ba kita? Dinaanan nalang kita dito para sabay nalang tayo, kung okey lang sa 'yo?"

"Ahm, oo. Sure! Halika ipapakilala kita kay nanay." Tipid ngiting sabi ko.

"Nay, kaibigan ko nga pala si Ryder." Pagpapakilala ko sa kanya kay nanay.

"Good morning tita." Bati sa kanya ni Ryder.

"Magandang umaga naman hijo, mukhang bago lang kayo nagkakilala ng anak ko." Puna naman ni nanay.

"Yes tita, actually kahapon lang po, tinulungan niya kasi ako kahapon."

Nag-usap pa sila ni nanay bago kami nagpaalam na aalis papuntang University.

Naiilang pa ako ng konti sa kanya dahil hindi ko pa siya masyadong kilala pero nakakahiya namang tanggihan ko siya lalo pa't sya na ang nageffort na daanan ako.

"Ang bait pala ng nanay mo, kasing bait mo rin." Aniya habang nasa byahe.

Pinili ko ang umupo sa passenger seat
upang hindi niya ako masyadong makausap.

"Hindi naman masyado, mabait ka rin naman." Ani ko.

Naagaw ng atensyon ko ang nakasalubong namin na sasakyan. Kilalang kilala ko kung sino ang may-ari ng sasakyan na 'yon.

Pupunta ba siya sa bahay? Impossible naman. Wala na ngang oras 'yon kapag nasa school kami pupunta pa siya ng bahay?

Inaamin kong nakakapanibago ang biglaang paglayo at pagdalang ng pagsasama namin ni Lessur pero naiintindihan ko naman na hindi na kami tulad noon na walang ibang ginawa kundi ang maglaro at magkwentuhan.

May kanya-kanya na kaming buhay at pangarap ngayon.

Our past won't ever matter, but the future will matter. Ganyan naman talaga ang realidad ngayon. Ang nakaraan ay alaala nalang.

Napag-usapan namin ni Ryder na magkita nalang ulit mamaya pagkatapos ng first subject ko.

Medyo hassle kasi Basic Finance ang class ko at kailangan talagang magfocus para hindi mahuli lalo na sa solving.

"Kamusta naman dito sa Nakelen? Okey lang ba?" Kausap ko sa kanya habang naglalakad kami sa Hallway.

"Yeah! Malayong malayo talaga to sa mga Universities dun sa amin, mas malaki ang mga buildings dito at well organized ang buong paligid." Aniya habang patingin tingin sa paligid.

"Magsasawa ka rin dito. First time mo kasi ngayon kaya di mo maiwasan mamangha."

"Nakakalungkot nga lang dahil 1 month lang ako dito para sa code camp, hindi ko alam kung kailan nanaman ako makakabalik dito. Nagugutom na nga pala ako tara na muna sa canten."

Hindi na ako sumagot at nauna ng naglakad patungong cafeteria.

Siya ang nag-order at nagbayad ng pagkain namin, ayaw nya naman tanggapin ang pera ko kaya hindi ko nalang pinilit.

Anything For You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon