Chapter 18

1.8K 55 25
                                    

Pag-lisan

Isa-isa kong ipinasok sa isang box ang lahat ng mga gamit na galing lahat kay Lessur.
Huli kong ipinasok ang ibinigay niyang kwentas sa 'kin. Ito ang isa sa mga gamit na napaka-espesyal sa 'kin pero kailangan ko 'tong iwan dito at ibalik lahat sa kanya.

Ayokong dalhin ang mga 'to dahil ang lahat ng 'to ay nagpapaalala sa 'kin araw araw sa kanya. Hindi ko rin magagawang itapon 'to kaya iiwan ko nalang kay Sean at siya na ang bahalang bumalik kay Lessur.

Tumayo ako pagkatapos kong maligpit ang lahat ng gamit ko. Bigla nanaman akong nalungkot sa iisiping ngayong araw na kami aalis.

"Mamimiss ko 'tong kwarto ko ang karamay ko araw-araw."mahinang bulong ko at inilibot ang tingin sa buong paligid.

"Anak! Nandito na ang mga kaibigan mo. Mauuna na ako sa Airport kasama ang mga gamit natin sa kanila kana sumabay."

Mabilis akong lumabas sa kwarto nang marinig ang sinabi ni nanay.

Nakita ko si Sean na nakikipag-usap kay nanay sa labas.

"Are you ready kei?" Nakangiting sabi ni Jon.

I nodded.

"Handang-handa na ako!" Nakangiting tugon ko.

"Bakit kasi kanina mo lang kami binalitaan na aalis na pala kayo? Kung nagsabi ka sana ng mas maaga, edi nakapag bonding pa tayo." Ani naman ni Keno at kinuha na ang maletang dala-dala ko.

"Pasensya na kayo, kapag nakabalik na ako dito babawi talaga ako." Tanging nasabi ko.

"Are you really sure on your decision keigh? Pwede ko pa naman siyang tawagan ngayon para maihatid ka man lang niya sa Airport." Ani Jon.

Mag sasalita na sana ako ngunit natigilan ako at nagulat dahil nakalapit na pala si Sean sa amin at narinig niya ang sinabi ni Jon kaya agad niya itong binatukan.

"Tumigil ka nga sa kahibangan mo Jonny. Wag mo ng pilitin pa ang taong ayaw!" Mataray na sabi niya.

"Kailangan ba talaga batukan ako? Hindi nga ako binabatukan ng girlfriend ko!" Reklamo naman ni Jon na ikinatawa namin ni Keno.

"Oh bakit? Gusto mo uutusan ko girlfriend mo na batukan ka rin?" Ani Sean habang nakataas ang isang kilay.

"Wag na! Mahal ako non. Hindi tulad mo hindi mo ako love. Ang sungit mo pa." Sagot naman ni Jon.

"Alam niyo kayong dalawa napag-hahalataan na kayo ha. Hindi niyo pa nga naipapaliwanag sa 'kin kung anong ginagawa niyong dalawa do'n sa mall noong nakaraang araw. Nagtatawanan pa kayo habang kumakain, tapos ngayon nag-aaway nanaman kayo.." nakangising sabi ni Keno at tumingin sa 'kin.

Napatakip ako ng bibig ko sa narinig.
Binigyan ko ng makahulugan na titig si Sean.

"Tell me honestly guys, Are you two dating?" Muling sabi ni Keno.

"Hahahahahahaha!" Napatingin kami bigla kay Jon dahil sa tawa niya.

Tumigil lamang siya sa kakatawa ng mapansin niyang hindi kami tumatawa.

"Syempre hindi!" Aniya at umiling-iling. "Akin na 'yang bag mo kei, ipapasok kona sa sasakyan." Kinuha niya sa 'kin ang bag at nauna ng lumabas sa bahay.

"Ang Weird naman ng reaction no'n " Sabi ni Keno habang sinusundan ng tingin si Jon na palabas ng bahay.

"Kung anu-ano kasi mga tinatanong mo sa 'min. Ang mabuti pa ipasok mo na rin 'yang maleta sa sasakyan, para magkaroon ka naman ng pakinabang!" Mataray na panenermon ni Sean.

Napakamot nalang sa batok si keno at sinunod ang sinabi ni Sean.

Lihim naman akong napangiti, kahit minsan lang kami nagsasama mamimiss ko rin sila.

Anything For You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon