Lessur's POV.
Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman habang tinitingnan siya mula dito sa bintana ng kwarto ko.
I want to go back outside and apologize for not treating her well. I'm being terrible. I want to hug and comfort her so that she will stop crying.
I am just thankful that Sean was always by her side to comfort her.
Niyakap siya nito at inalalayan papasok ng sasakyan. Pinanood ko na lamang ang sasakyan nila na unti-unting lumalayo.
"I'm sorry keigh!" Bulong ko sa sarili.
Napahilamos ako ng mukha at naglakad papunta sa kama. What the heck is happening to me?!
Why did I fucking treated her like that?
Kahit hindi ko na marinig ang paliwanag niya alam kong hindi naman ako galit sa kanya.
Pero anu 'yong ginawa ko? Umiiyak siya at humihingi ng oras para pakinggan ko siya pero binalewala ko. Hindi ko siya pinagbigyan.Kahit hindi niya sinasabi sa akin alam kong ilang beses kona siyang nasaktan. Simula ng dumistansya ako sa kanya kahit hindi niya pinapakita sa 'kin alam kong naaapektuhan din siya.
Simula nang naging girlfriend ko si Queenie, halos gumulo na ang pagkakaibigan namin ni Keigh. Araw-araw kong naririnig kay Queenie ang mga bagay na hindi niya nagustuhan kay Keigh. She is complaining to me that keigh didn't like her. Hinayaan ko na lamang iyon kasi ang nakikita ko ay supportado naman ako ni Keigh sa pinasok kong relasyon.
Noong mga araw na 'yon akala ko si Queenie na nga talaga ang mahal ko. Akala ko siya lang sapat na para maging masaya ako. But when I started being distant to keigh, I realized that I was wrong. Ibang klaseng kaibigan si Keigh para sa 'kin, pero kahit nakakaramdam ako ng konsensiya sa ginawa kong paglayo sa kanya, hinayaan ko pa rin ang sarili kong gawin 'yon.
I spent all my time and presence to Queenie because she is my girlfriend at obligasyon ko na gawin iyon. I did all my best to show to her that I am deserving to be her boyfriend. I gave all my efforts. Naisip ko rin na para hindi na kami mag-aaway lalayuan ko muna si keigh but I never intend to end up the friendship that we had.. ginawa ko lamang iyon dahil gusto kong mapasaya si Queenie.
Simula ng nilayuan ko si Keigh saka na lamang natigil ang pag-aaway namin pero palagi naman akong nakakarinig ng sumbong ni Queenie na pinapakialaman daw siya ni Keigh at sinisiraan sa ibang tao. Kahit gusto kong kausapin si Keigh tungkol sa bagay na yun pero pinigilan ko ang sarili ko. Sapat na ang ginawa kong paglayo sa kanya at hindi ko na dapat siya pakikialaman pa.
Hanggang sa nakita ko siyang may kausap na lalaki. Hindi ko napigilan ang sarili ko na lapitan siya at kausapin tungkol doon. She said just that, it was her friend but who cares? I don't like seeing her close to other guys. Kilala ko si keigh at hindi siya basta-basta nakikipag kaibigan sa ibang tao. Hindi ko rin maiwasang makaramdam ng inis sa sarili ko dahil sa ginawa ko. Kung nagawa kong layuan siya bakit hindi ko magawang matanggap na nakahanap na rin siya ng bagong kaibigan?
Muli kong pinanindigan ang ginawa kong desisyon at hindi na muna siya kinausap.
Pinilit kong maging masaya kasama si Queenie pero pakiramdam ko may kulang. Pakiramdam ko ay nakakulong ako sa isang desisyon na pinagsisisihan kona pero bakit hindi ko magawang makatakas.
Tama ba na layuan ko ang taong naging karamay ko na sa lahat simula pagkabata?
Pakiramdam ko ang desisyon na ginawa ko ay mas lalo lang nagpalala sa lahat. Hindi sa aming dalawa ni Queenie kundi sa aming dalawa ng matalik kong kaibigan.
Nasaktan ko siya, naging masama akong kaibigan sa kanya.. Anu pa ba ang mukhang maihaharap ko sa kanya?Paulit-ulit kong sinisisi ang sarili ko kung bakit ko siya sinigawan at pinagalitan noong isang araw, kasi ang totoo kahit may kasalanan man sya o wala, siya ang gusto kong kampihan.
Kahit nakita ng dalawang mata ko ang ginawa niya kay Queenie, sinisigaw pa rin ng puso ko na si Keigh dapat ang ipagtanggol ko. Kahit maraming beses na sa 'kin nagsumbong si Queenie tungkol sa pagpapahirap sa kanya ni keigh pero hindi iyon magawang paniwalaan ng puso ko.
BINABASA MO ANG
Anything For You (COMPLETED)
Teen FictionOne of the most hardest part in handling friendship is that, when you fell inlove with your bestfriend kasi may kakambal itong sakit, takot at pangamba. Masasaktan ka, lalo na't kapag nakikita mo siyang may mahal na iba samantalang ikaw ay nasa tabi...