Bumabawi
Note: Hi there guys! I'm back. kahit nawalan na ako ng gana na tapusin pa 'tong story nila Lessur at keigh, pinilit ko pa din ang sarili ko. Kunting tulak nalang kasi matatapos na'to sayang naman kung hindi ko tatapusin😊
Keigh POV.
Magkasabay kaming lumabas ni Lessur sa bahay pero nauna akong lumabas dahil kukunin pa niya ang kanyang sasakyan na nakapark sa bakuran ng bahay namin.
Sakto ring kakalabas ko ng maabutan ko si Viveree na nag-aabang ng masasakyan. Agad ko siyang binati.
"Hi Viveree." Bati ko.
"Oh keigh ikaw pala? Saan punta mo?" Tanong niya.
"Inutusan kami ni nanay na mamamalengke eh." Sagot ko na ikinakunot ng noo niya.
"Kami? Sinong kayo? Si Jilsie at Charlote nandiyan ba?" Muling tanong niya.
"Ah hindi. Kaibigan ko galing Maynila." Sagot ko at napalingon sa likuran dahil bumusina ang sasakyan ni Lessur. Agad akong tumabi para padaanin ito.
Unti-unting bumaba ang bintana ng sasakyan niya at iniluwa nito ang mukha niya.
"Keigh tara na." Aniya at lumabas pa ng sasakyan nang makitang may kasama ako.
Napalingon ako kay Viveree ng bigla nuyang hawakan ang braso ko.
"Siya ba yung kaibigan mo? Ang gwapo!" Parang kinikilig na sabi niya.
Bigla naman akong nainis sa hindi malamang dahilan.
"May kasama ka pala?" Aniya at napatingin kay Viveree. Ngumiti naman si Viveree sa kanya. "Hi." Bati ni Lessur.
"Hello. kaibigan ka pala ni Keigh? By the way, My name is Viveree." Ani Viveree at naglahad ng kamay. Tinanggap naman iyon ni Lessur.
Wow! Hindi ba pwedeng ako ang magsabi na, 'lessur si Viveree kaibigan ko, Viveree si Lessur Ex bestfriend ko' excited naman nila masyado.
"Lessur nga pala." Ani Lessur at tumingin sa 'kin. "Let's go keigh." Aniya at umakbay sa 'kin at hinila na ako papunta sa sasakyan niya.
Tiningnan ko muna si Viveree at pilit na ngumiti.
"Ingat kayo Lessur." Dinig ko pang sabi ni Viveree habang pinagbubuksan ako ni Lessur ng pintuan ng sasakyan nuya.
"Salamat." Mahinang sabi ko at pumasok na sa loob. Bakit kaya may sasakyan si Lessur dito? Dinala niya rin ba 'to dito galing maynila?
Habang nasa biyahe kami ay tahimik ako at hindi kumikibo. Pakiramdam ko naiinis ako.
"Mabuti naman at may kaibigan kana pala dito. Mukhang mabait naman." Aniya.
Lihim akong napairap. Mabait ba iyon? Halos lahat ng mga lalaking lumalapit sa kanya, itinataboy niya at lahat ng mga lalakeng nanliligaw sa kanya ay binubusted nya agad. Tapos nang nakita ka niya kanina siya agad ang unang nagpakilala ng sarili niya sa 'yo. Ang bilis niya namang magbago ng makita ka niya.
Nanatili lang akong tahimik.
"Keigh, magsalita ka naman diyan.. naiinis ka pa rin ba sa kanina?" Muling sabi niya.
"Porket nananahimik naiinis agad? Hindi ba pwedeng wala lang akong ganang makipag-usap sa mga taong kagaya mo?" Inis na sabi ko.
Napansin ko naman ang pananahimik niya at hindi na siya nagsalita. Nakaramdam naman ako ng konsensya sa ginawa ko. Kung talagang gusto kong ipakita sa kanya na ayaw ko na, hindi ko dapat siya sinusungitan kasi lumalabas na nagiging bitter na ako. Hindi ko lang kasi mapigilang mainis.
BINABASA MO ANG
Anything For You (COMPLETED)
Fiksi RemajaOne of the most hardest part in handling friendship is that, when you fell inlove with your bestfriend kasi may kakambal itong sakit, takot at pangamba. Masasaktan ka, lalo na't kapag nakikita mo siyang may mahal na iba samantalang ikaw ay nasa tabi...