Kabanata 13

20.8K 635 25
                                    

Kabanata 13

Gigil na nilagyan ko ng alcohol ang aking braso. Kinuskos ko pa iyon hanggang sa mamula ng tuluyan at magsugat.

How dare that jerk touched me?!

Thinking about it still makes me angry. Is he the one following me? Sigurado na talaga akong may sumusunod sa akin kanina. Maybe it's him. It's Marcus.

Pabagsak na isinara ko ang pintuan ng aking sasakyan. Bitbit ang bag, dire-diretso lang ako papasok ng bahay. Nadatnan ko pa si Ines na nagmamando sa ibang katulong. They looked so busy. I don't mind though.

"Ayusin niyo ang paglilinis! Bukas na darating sina Madam at Sir! Ayaw ni madam ng kalat at kahit anong alikabok."

Natigil ang pag-akyat ko nang marinig ang sinabi ni Ines. I heaved a deep sigh. My parents are really coming home. Hindi na ata yun mapipigilan.

"Miranda?"

"Bakit?!" Pagalit kong sagot bago siya nilingon. Magkasalubong rin ang kilay niya. Hinagod pa niya ng tingin ang aking kabuuan.

"Kakarating mo lang?"

"Sa tingin mo?" Puno ng sarkasmong sagot ko bago siya tuluyang iniwan. Isinara ko ng mabuti ang pinto bago kinuha ang itim kong backpack. Inilapag ko iyon sa kama at binuksan. Pumili ako ng iilang damit at inilagay doon. This will do. Mas madali akong makakaalis kapag konti lang ang dadalhin ko. Bahala na kung saan ako mapunta. Ang importante ay makaalis ako bago paman dumating ang aking mga magulang.

Tahimik akong kumakain at pilit na iniiwasan ang tingin ni Ines. Kanina pa niya ako pinagmamasdan. I felt uncomfortable knowing that she might have an idea of what I'm planning to do.

Napatikhim ako at napaayos sa pagkakaupo. Itinabi ko ang pinagkainan ko.

"Tapos kana,Miranda?"

"Yes,Ya." Saad ko at pinilit na salubungin ang kaniyang tingin. "Anong oras nga po pala darating sina mommy?"

"Maaga pa, Miranda. Hindi lang ako sigurado dahil baka may daanan pa sila."

Tumango ako at nagpaalam na mauuna. I tried to walk slowly. Pero nangangati na ata talaga akong makaalis kaya binilisan ko ang paglalakad. Halos takbuhin ko pa nga ang mataas na hagdan makarating lang sa kwarto ko.

I heaved a deep sigh as I scanned my room. I will definitely miss every corner of it. This has been my room for more than a decade already. Saksi ito sa lahat ng hinagpis na pinagdaanan ko. I don't have anyone with me ever since. I only have myself. I will live. Kakayanin ko.
























Dahan-dahan ang ginawa kong paghakbang palabas ng mansyon. Kahit ang huminga ay halos hindi ko magawa sa takot na may makahuli sa gagawin ko. I've been a master of escaping but what I'm about to do can change my whole life. I have second thoughts but thinking about being married to a stranger is never a good idea to me. I can't just marry at this age! I'm still a teenager. I have so many things to do in my life. I want my freedom and if escaping will be my only chance, I'll gladly do it.

"What are you doing?"

Fuck! I almost had a heart attack after hearing that voice.

Nag-angat ako ng tingin. Halos mapaatras pa ako nang mapansin kung gaano kalapit ang mukha niya sa akin. I shivered not because of fear. It's the same feeling I always feel when he's around. My heart beats faster when he inched closer. Amoy-alak siya. Hindi na kataka-taka. Palagi naman kasi siyang lumalabas at nagpapakasaya. But isn't it too late for him to come home? Sa pagkaalala ko kasi ay hindi pa siya kailanman nakauwi ng madaling-araw.

I'm In love with a MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon