Chapter 2: The Rumors

126 2 0
                                    

After naming kumain ng breakfast sa bahay ee dumiretso na kami sa school para umattend ng class

Time check 7:15 

May 15 minutes pa bago magstart ang class..

" Hi Best!! " bati saakin ng bestfriend kong si Wendy 

" Oh? Hi best! " nandito na kami sa room namin at hinihintay nalang magstart ang class 

" Musta naman ang buhay girl? balita ko wala sila tita sa bahay niyo.. so? lets have a slumber party? " naeexcite na sabi niya

" Haha! sira ka talaga best.. alam mo namang di pwedeng magslumber party sa bahay nuh! yari ako kila mama at papa "

Strict kasi ang parents ko kaya kung minsan nasasakal narin ako at sobrang naiinis pero naiisip ko nalang na para lang din sa kapakanan ko ang ginagawa nila

" Ano ba yan! .. ang kj nila tita oh. kahit ako? " 

" hmm?.. ill ask nalang kung pwedeng dalawa tayo baka pumayag " umaliwalas naman yung mukha niya 

" Kyaaaaaah!! siige best ha? pag pumayag, ako nang bahala sa movie na papanoorin natin " naeexcite na sabi niya at ako naman tungo-tungo nalang sakanya..

Haha nakakatawa talaga tong bestfriend ko kung minsan, kahit badtrip ako siya nagpapasaya saakin dahil sa pagiging positive at hyper niya sa buhay

After ng class namin sa Literature pumunta muna kami ni wendy sa locker room para kumuha sana ng mga gamit for next class

Papasok na sana kami ng locker room ng biglang may narinig akong nag-uusap na mga babae kaya napahinto kami at pinakinggan ang usapan

" Girl, did you hear na ba yung rumors na kumakalat sa campus? " 

" What news? about Rony and Bea? "

Rony? Ang boyfriend ko?...

" Yeah right! alam mo bang may something daw sila? " 

" Woah! is it true? diba Rony and Yna is in a relationship? and buong campus alam iyon " 

" Yeah.. pero narinig ko lang yun sa mga cheering squad members, they saw Rony and Bea kissing outside of the campus "

Parang di ako makakilos sa kinatatayuan ko.. pakiramdam ko nanginginig ang buong katawan ko sa galit,inis,lungkot pero di ko alam kung kanino?.. kung sa mga chismosa bang ito, kay Bea , o sa boyfriend ko

" Naku girl! baka naman chismis lang yan .. alam mo namang may pagka-bitch yung si Bea at hindi siya papatulan ni rony"

Dahil sa hindi ko na makayanan ang mga naririnig ko tuluyan na akong pumasok ng locker room at pinipigilan kong maiyak at kumilos ng normal para di nila mahalatang narinig ko silang nag-uusap kanina 

" Omaay gaad! " mahinang sabi nung isang girl at mukhang gulat na gulat ng makita ako sa reflection ng salamin

" Hi Girls! ^_^ " bati ko sakanila kahit inis na inis na ako at gustong-gusto ko na sila pag-umpugin dahil sa mga chismis na pinagkakalat nila

" Tara na girl alis na tayo .. " dali-daling umalis yung dalawang babaeng kanina pa nagpapakulo ng dugo ko

Binuksan ko ang locker ko .. Di ko parin maalis sa isipan yung narinig ko sa mga babaeng yun 

" Best.. wag mo nalang intindihin yung narinig mo " sabay haplos ni wendy sa likuran ko

" Alam ko best na maling magduda at maniwala ako sa mga babaeng yun.. " napatigil ako sa naisip ko at parang biglang kumirot ang puso ko

" P-pero paano kung ... kung totoo yun? na totoong niloloko ako ni Rony? " 

Hindi ko ata matatanggap yun.. Hindi ko kaya at hindi ko ma-imagine na mangyayari yun..

" Best..ikaw ang nakakakilala sa boyfriend mo kaya alam mo kung totoo ba o hindi ang mga pinagsasabi nila at isa pa, hindi ka lolokohin ni Rony at mas lalong hindi ka niya ipagpapalit para sa bitch na Bea na yun " 

Sana nga hindi totoo ang mga narinig ko... Sana talaga.. Sana.. 

You're Still The One [ One Shot Story ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon