Chapter 8: Heart to Heart Talk

88 3 0
                                    

Pinaupo ko siya doon sa upuan ( malamang ) at ako rin umupo na rin..

Ilang segundo na tahimik at parang wala ni isa saamin ang gustong bumasag ng katahimikan...

Hayyyys! di ba siya magsasalita??! 

" Ahm.. baby " simula niya 

Hindi ako sumagot at pinakinggan ko lang siya

" Sa kanina.. sorry kung pinatayan kita ng line, balak ko kasing mag-usap tayo hindi sa call kundi sa personal " Ahhh... ganun pala.. okay...

" May sasabihin ka pa? " medyo masungit kong sabi.. Haha! wala lang para intense lang ( AN: baliw -___- )

" Ahmm.. sorry sa nangyari nung nakaraan, baby mali ang nakita mo si bea ang humalik saakin " Ayan nanaman! naalala ko nanaman ang nangyari! >__<

" Siya ang humalik?! ee bat hindi mo pinigilan? ibig sabihin ginusto mo rin! " naluluha na ako pero pinipigilan ko

" baby hindi ako guamti ng halik... di mo ba nakita? "

" hindi ko nakita?! kitang-kita ko rony! hinalikan ka niya then di mo manlang siya tinulak or what! "

" baby di ko siya pinigilan dahil pinaparealize ko sakanya na kahit anong gawin niya ee hindi ako gagantihan ang binibigay niyang pagmamahal saakin "

" Pinaparealize!? wow! bakit mo pa kailangan iparealize yun kung alam mo naman na masasaktan ako! "

" hindi ko ginawa yun para saktan ka ...hindi kita kayang saktan " naiiyak na rin ata siya dahil may namumuong luha sa mata niya or imagination ko lang?

" hindi kita kayang saktan dahil mahal kita yna! " para akong natulala sa sinabi niya...

" pero nasaktan mo na ako... nung nakita ko kayo, hindi mo alam kung gaano kasakit ang naramdaman ko ng mga oras na yun! hindi mo alam kung gaano ko kagustong sampalin ang babaeng yun at ikaw dahil sa sakit na nararamdaman ko " tuluyan ng umagos ang mga luha sa mata ko

" then slap me... alam kong mali ko rin iyon sorry baby " naluha na rin siya at yumuko siguro nahihiya siyang iapkita ang pag-iyak niya dahil sa lalaki siya

Kinuha niya ang mga kamay ko at pinagsasampal niya iyon sa sarili niya habang ako ee naluluha parin

" Di mo rin alam kung gaano kasakit saakin nung makita kitang umiiyak dahil sa kasalanan ko .. Napaka-tanga ko! hindi ko inisip na masasaktan kita " patuloy parin siya sa pagsampal sa sarili niya ng mga kamay ko

Kinuha ko ang mga kamay ko dahil ayoko rin naman siyang nakikitang sinasaktan ang sarili niya dahil saakin..

" Sorry baby... sorry.. please give me a chance, chance na alagaan ka ulit.. pasiyahin ulit... at mahalin ka ulit " sa sinabi niyang yun parang kusang gusto ibigay ng puso ko ang chance na hinihingi niya pakiramdam ko yun ang gustong gawin ng puso ko..ang bigyan siya ng second chance para mahalin ulit ako

"  sorry ka diyan! laki ng kasalanan mo tapos ganun lang? " parang batang naiiyak kong sinabi 

Niyakap naman niya ako habang patuloy parin ako sa pag-iyak

" Sorry na baby, hindi na po mauulit .. basta wag ka na umiyak " hinarap niya ako sa \kanya at pinunasan niya ang mga luha ko sa pamamagitan ng mga daliri niya

" weeew! baka lokohin mo lang ulit ako! " natawa naman siya saakin

" anong tinatawa-tawa mo diyan? loko ka ha. " sabay hampas ko sakanya ng mahina habang nagpupunas ako ng mga luha ko

" namiss ko kasi yung baby ko ee.. yung isip bata kong baby " sabay kiss niya saakin sa forehead

" miss ka diyan! baka si bea ang namiss mo " sabay bleeeh ko sakanya

" baby naman... mas maganda ka dun nuh. " natuwa naman ako at medyo nagblush

" talaga! at mas sexy pa! " natawa nanaman siya pero ang saya sa pakiramdam dahil ngayon ko lang ulit nakita ang napakaganda niyang ngiti

"  di mo naman kailangan maging sexy o maganda para mahalin kita ee " 

" wew! siopao ka masyado! " 

" di ako nambobola baby.. its true, you dont need to be sexy or beautiful cause in my eyes you're perfect and no one can change that " niyakap ko siya dahil natouch ako sa sinabi niya parang bumalik na lahat sa dati ... yung dating kami at mukhang mas sweet pa ngayon

" Mahal mo pa ba ako? " tanong niya na kinabigla ko naman 

" Hindi! " mariin kong sabi sabay kunot ng noo niya saakin 

" Hindi.. kasi mahal na mahal " sabay kiss ko sakanya sa lips 

" ikaw ha! nagoya mo ko dun! " nagbleeh lang ako sakanya 

" ee ako babe? mahal mo pa ba ako? " sabi ko

" hindi! " sabi niya na alamko namang gumaganti lang rin siya

" sus! bumenta na yan! hindi kasi mahal na mahal? "

" hindi rin! " sabi niya na kinagulat ko naman at sinamaan ko siya ng tingin pero tumawa lang siya 

" Kasi.. mahal na mahal na mahal po kita! " sabay tawa niya ulit

" Wew! ang korni mo! " sabay bleeeh ko ulit sakanya 

" ako korni? .. korni pala ha.. " kiniliti niya ako ng walang tigil at napapahiga na ako sa sofa dahil sa pangingiliti niya. Malakas kasi ang kiliti ko lalo na sa leeg na alam na alam niya! 

" t..tama ..na HAHA! " sigaw ko sakanya pero patuloy siya sa pangingiliti

" HAHA! ayoko nga! korni pala ako ha. " patuloy siya sa pagkiliti hanggang sa napagod na rin siguro at tinigil na at ang pwesto namin ngayon, nakatalikod ako sakanya habang nakayakap siya saakin kumbaga back hug lang pero nakaupo kami sa sofa

" babe di mo pa sinagot tanong ko sayo kanina. " sabi ko

" alin dun baby? " 

" yung kung paano ka natutong mag-guitar? diba di ka marunong nun? " hinarap naman niya ulit ako sakanya 

" dapat kasi surprise ko yun sayo nung araw na nakita mo kami ni bea sa gymnasium " 

" surprise?? " takang-taka na tanong ko

" Oo.. diba nitext kitang di ako makakasundo sayo kasi may practice kami? pero ang totoo ay wala naman " napagisip-isip ko ulit yung nangyari nun at oo nga nuh?... 

" kaya pala si Carl tinmanong namin kung may practice kayo tapos sabi niya wala naman daw.. " natawa naman siya ng bahagya

" plano ko rin yun.. pinapunta ko si carl na dumaan sainyo dahil alam kong tatanungin mo ko sakanya at pag sinabi niyang walang practice magtataka ka kung bakit ako nagsinungaling so pupunta ka sa gymansium "

Ahhhhhhhh!!! ngayon ko lang napagtanto! bwiset! >__________< surprise and happy day pala sana ang araw na yun!

" kaya lang .. dumating si bea at ayun nagkandagulo-gulo na ang lahat " Bwiset talaga ang bea na yun kahit kailan! arrggg! pasalamat siya mabait ako kundi pinatapon ko na siya sa ilog pasig at ngayon lumulutang na ang bangkay niya

"  sorry babe ha... sorry kung di kita pinagexplain agad, masyado kasi akong nadala ng emosyon ko " nahihiyang sabi ko at napayuko ako 

Iniangat naman niya ang ulo ko at iniharap sakanya

" Baby, wala kang kasalanan.. hindi naman natin alam na mangyayari yun at wala na mang may gusto nun diba? kaya wag kanang maguilt okay?. " sabay kiss niya saakin sa forehead ko

Niyakap niya lang ulit ako at sobrang saya ko dahil magkaayos na kami ng mahal ko! Misunderstanding lang pala ang lahat ng nangyari tapos lumala lang dahil sa bitch an bea na yun! pero anyways sobrang happy na ako ngayon dahil ayos na ulit kami at happy kami ....

You're Still The One [ One Shot Story ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon