Chapter 3: The Promise

111 4 0
                                    

After nung nagyari kanina sa Locker room halos wala na ako sa mood makipag-usap, pati sa mga sumunod na class ko nawalan na ako ng gana at lagi nalang sumasagi sa isip ko yung usapan nung dalawang bwiset na babaeng yun... 

Si Wendy naman kinakausap ako at kinekwentuhan ako ng mga bagay-bagay alam ko namang kaya lang niya ginagawa yun para mabaling ang atensyon ko sa iba at hindi na isipin masyado ang mga narinig ko

" Best, wag ka ng magisip masyado.. rumors lang naman yun at walang katotohanan "

Yan din ang gusto kong paniwalaan pero di talaga maalis sa isip ko? ewan ko ba! nakakinis! >___<

" Sorry wend's , bigla-bigla nalang kasi pumapasok sa isip ko yung rumor na yun " malungkot at malumanay kong sabi 

" Bakit hindi mo komprontahin si Rony? para di ka na mabother " Bakit nga ba hindi??.. pero iniisip ko pa lang ang magiging reaksyon niya... parang may takot na namumuo sa damdamin ko

" Natatakot ako best... "

" Bakit? itatanong mo lang naman kung totoo o hindi "

" Mahirap best..hindi ganoon kadali sabihin "

" Anong mahirap doon best?.. Nah. gusto mong malaman ang totoo diba? "

" Oo.. pero hindi ko ata kakayanin ang isasagot niya "

" Anong hindi kakayanin? ee hindi mo pa nga nalalaman ang isasagot niya.. Wag ka kasing nega best! "

Siguro nga?.. masyado akong Negative mag-isip..

"  Pero paano kung sabihin niyang totoo ang lahat?.. paano na best? paano na ako? paano na kami? " naiiyak na ako habang sinasabi ko iyon dahil hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko pag nangyari iyon..

" best, tahan na.. marami tayong tanong sa ating buhay at gusto natin itong malaman pero may isang bagay na pilit na pumipigil saatin para malaman ang katotohan... "

" a-ano..yun ..best? *sniff* " tuloy parin sa pagluha ang mga mata ko

" yun ang TAKOT " 

" Takot na baka pag nalaman na natin ang katotohan ee magbabago na ang lahat at maaring mawala ang lahat saatin.... Maraming epekto ang pwedeng mangyari pag nalaman natin ang sagot best, maaaring ang mundo na binuo natin ay mawala nalang sa isang iglap "

Nandito na ako sa bahay actually nasa kwarto na ako at nagpapahinga... 

Ring~~~~ ( I LOVE YOU BABY!!! I LOVE YOU!! ANSWER THE CALL PRETTY PLEASE? )

Narinig ko ang phone ko na nag-ring at alam kong ang boyfriend ko yun.Nasurprise ako sa ringtone dahil wala naman yan kaninang umaga nung tumawag siya. Bigla ko nalang naalala na kaya pala niya hiniram ang phone ko habang naghahanda ako ng breakfast namin..

Kinuha ko ang cellphone ko na nasa side table ko at sinagot ang call

" Hello.. *sniff*" Naiiyak na sabi ko

" Hello baby.. oh? umiiyak ka ba? " tanong niya

" Hindi babe!.. kainis ka! " sabi ko sakanya pero naiiyak parin ako, hindi sa inis kundi dahil sa surprise niya. Alam kong simple lang ang surprise na yun pero natutuwa pa rin ako at masyado talagang mababaw ang luha ko

" Hahaha.. ikaw talaga baby, wag ka ng umiyak dyan diba sabi ko sayo hindi ka pwedeng umiyak pag wala ako sa tabi mo? "

" Ang ewan mo kasi ee!..*sniff* " 

" I love you baby.. muaaah! " bigla akong natawa sa sinabi niya imbis na masweetan

" Baliw! may pa-muah..muah ka pa dyan! " nangingiti kong sabi

" Bakit? kiss kaya yun..syempre pag sa phone ganun lang, WAIT! di mo pa ko sinasagot? "

" Ha? anong tanong? "

" hindi tanong!... haysst.. " pinipigilan kong matawa kasi alam ko na ang ibig niyang sabihin, pinagttripan ko lang talaga siya 

" Oy babe? ano nga yun? di kita gets ee " 

" WALA! whatever nalang..haysst " HAHAHA! mukhang big deal sakanya yun ah? xDD 

*Silence

*Silence

" Babe? "

" oh? " cold niyang sabi.. mukhang napasobra ata ako 

" oy.. galit ka? "

" ha? hindi.. " cold niya paring sabi.. Hayyy! naku naman mukhang nagatmpo ang loko! >__<

" galit ka ee?.. "

" hindi nga.. "

" weee? "

" tss... hindi nga sabi " 

" I LOVE YOU BABE!!! I LOVE YOU SO MUCH " pagkasabi ko nun biglang tumahimik nanaman siya.. bakit? anong problema nun?

" HAHAHAHAHA! " nagulat ako sa biglang pagtawa niya??.. baliw na ata to?

" babe? anong nangyare? "

" wala baby.. I love you too!!! I love you so much "

" alam ko po! so bakit ka nga tumatawa? "

" Nirecord ko kasi yung sinabi mo so gagawin ko siyang ringtone "

" Ayyss!!! bwiset kang lalaki ka! kala ko nagalit ka na! yun pala may balak kang iba " kunyaring nabibwiset kong sabi sakanya

" Hahahaha! effective naman ang drama ko diba? di mo talaga ako matiis hihi.. "

" Ewan ko sayo! "

" Sorry na po baby ...  ang unfair kasi pag ikaw lang may ringtone ng boses ko so dapat ako rin "

" Di mo naman kailangan gawin yun.. dahil ako mismo ang gagawa nun kung gusto mo kahit ilang i love you pa irecord ko dyan sa cell phone mo "

" Ayiiee! si baby ko ang sweet HAHAHA! "

" HAHAHA! ang ewan mo! "

" atleast mahal mo bleeh " aba! nag bleeh pa ang loko xDD

" Hindi kaya! "

" Ano?! "

" Hindi kita mahal... kasi mahal na mahal kita "

" WOAH! haha naisahan mo ko dun babe ah? bawi ako sayo next time, bumabanat ka na ng ganyan ngayon ah? haha " 

" Hahaha! yeah you should! "

" I love you babe! " 

" I love you too baby "

" I love you so much babe " 

" I love you more baby "

" I love you FOREVER babe! "

" I loveyou FOREVER and Period na yun baby! wag ka ng lumaban pa haha "

" Oo na! talo na ako sayo.. " sabi ko nalang

" Babe... "

" Yes baby? "

" Wag mo kong iiwan ha? " malalim na sabi ko na hinugot ko pa sa kailaliman ng puso ko

" Hinding hindi.. "

" Wag mo kong bibitawan ha? "

" Never.. "

" Wag mo akong sasaktan ha? " naiiyak na ako pero pinipilit kong pigilan dahil ayaw kong makahalata siya

" Never kitang sasaktan... mas ayos nang ako ang masaktan kaysa ikaw dahil hindi ko kakayanin iyon .. " 

" Promise? " medyo di ko na makayanan ang mata ko at babagsak na ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilang malglag

" Promise... "

You're Still The One [ One Shot Story ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon