Chapter 5: Heart Break

103 5 0
                                    

Hindi ko namalayan napaupo nalang ako sa kinatatayuan ko at nararamdaman ko na ang walang tigil na pag-agos ng mga luha ko..

Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko pero sakit ang pinakanararamdaman ko sa ngayon..

Pinipilit akong tulungan tumayo ni Wendy sa pagakakaupo sa sahig

" Best... tumayo ka best.. *sniff* best " naiiyak narin si Wendy sa nangyayari 

" WAAAAAHHH!!! " Napasigaw nalang ako namay kasamang galit at sakit dahil hindi ko na alam ang gagawin ko at magiging reaksyon ko. Pakiramdam ko sasabog na ako sa sakit na nararamdaman ko 

Biglang napunta saakin ang atensyon nung dalawang hayop na kanina ee sarap na sarap sa ginagawa nilang kahayupan!!! 

" Baby? " tinawag niya akong baby?.. halos gusto kong mamatay sa sinasabi niay ngayon.. matapos niya akong lokohin at saktan!! 

" Hoy! P*tang in* mong bitch ka! " siagw ni wendy sabay sugod dun kay bea na sakalukuyang nakangisi at mukhang tuwang-tuwa sa nganyayari

Sinubukan siyang awatin ni Rony pero masyadong amazona ang bestfriend ko kaya nahigit niya ang buhok nung babaeng bitch na si bea at sinimulan niyang hilahin ito na parang gusto nang iuntog sa sahig.

Sa ginagawa ni Wendy parang gusto kong ako ang gumawa nun sa babaeng yun pero hindi ko magawa dahil wala akong lakas ngayon.. pakiramdam ko para akong nabaldado sa kinatatayuan ko

Di ko namalayan nasa harap ko na ang lalaking akala ko dati hindi ako lolokohin at sasaktan, yung lalaking nangako saakin na ako lang... ang lalaking mahal ko 

" Baby..*sniff* sorry I'll explain everything please listen to me " totoo ba ito? umiiyak siya? 

" Ano pang ieexplain mo Rony?! ano pa?!! ha?! ginago mo na nga ako tapos gusto mo pa akong paniwalain sa mga excuse at dahilan mo ngayon?!  " pasigaw kong sabi

" Baby... mali ang inaakala mo, mali ang nakita mo "

" Anong mali?! maling-mali!! ee kitang-kita ko ang kahayupan niyo!! ginago mo ko rony! ginago mo ko! akala ko mahal mo ko! akala ko! nangako ka! nangako ka!!.. " tuloy-tuloy parin ang pagiyak ko at hindi ko na makayanan ang sakit

" Baby.. believe me! hindi kita kayang lokohin, hindi kita kayang saktan you know me! "

" Yun na nga ee! kilala kita! at yung rony na kilala ko, yung rony na boyfriend ko na kilala ko ee yung lalaking hindi ako ginagago at sinasaktan ngayon! hayup ka rony! hayop kayo ng bitch na yan! " 

Pinilit kung tumayo kahit feeling ko babagsak lang ulet ako 

" Baby.. maniwala ka saakin please... Im sorry kung feeling mo niloko kita pero hindi baby magpapaliwanag ako, ipapaliwanag ko ang lahat " hindi ko na siya mapakinggan dahil sa kakaiba kong nararamdaman ..di na maganda 

" Tama na muna rony! pagod na ako! ayoko na! please give me some space! magsama kayo ng babaeng yan! " paalis na ako at gusto ko na tumakbo pero niyakap niya ako mula saaking likuran, sa yakap niyang iyon pakiramdam ko mas masakit saakin ang nangyayari.. para akong unti-unting pinapatay ng mga yakap niya ngayon

" Baby *sniff*..sorry baby.. Im sorry... please let me explain " nakyakap parin siya saakin kahit nagpupumiglas ako ee masyado talaga siyang malakas maski ang puso ko ayaw pumiglas sa pagakkayakap niya

" Rony...*sniff* bigyan mo muna ako ng panahon mag-isip... hayaan mo muna ako " at kahit ayaw ng puso kong pumiglas sa pagakkayakap niya ee pinilit ko paring pumiglas dahil baka di ko na kayanin..

magsasalita pa sana siya pero nakatakbo na ako at naramdaman kong sinundan ako ni Wendy palabas ng Gymnasium

Gago ka rony! Bakit mo ko sinaktan?!... Mahal na mahal kita!

HOUSE~~~~~

Nandito na ako sa bahay kasama si Wendy at inaalalayan ako dahil halos di ko kayanin ang mga naganap kanina saamin... 

" Best, are you okay? " tinitigan ko lang siya ng matamlay pero hindi poker face, yung titig na gusto kong sabihin sakanyang Pagod na pagod na ako wend's...

" *sniff*...*sniff* " pesteng mga luha ito! di na natigil.. Bakit ba kasi nangyayari saamin ito? bakit ngayon pa? kung kailan sobrang saya na namin at halos mala-fairytale ang Love story namin... 

" best, tahan na *sniff*.. pati ako aluluha sayo ee " sabi ni wendy sabay ay yumakap siya saakin

" Anong mali wend's?.. anong mali??.. " hindi ako iniimikan ni wendy at nakayakap lang siya saakin

" Wend's, di naman ako nagkulang diba?.. wala namang mali saakin diba?.. oo flatops nga ako pero di naman siguro sapat na dahilan yun para lokohin at saktan niya ako..*sniff* " hinampas naman ako ni wendy ng mahina kahit naiiyak pa siya..

" *sniff* baliw ka talaga best...sorry best ha? " bakit siya nagsosorry?

" Sorry kung di kita matulungan sa problema mo ngayon.. "

" anong hindi matulungan?.. ee ikaw na nga unang bumugbog para saakin doon sa babaeng makati na yun ee " pabiro kong sabi habang patuloy parin kami sa pagiyak na parang mga batang inagawan ng candy

" Gago siya best nuh?.. " napasabi ko habang pinupunasan ko ang mga luha ko

" sinabi mo pa!.. " Mabuti nalang at may kaibigan akong tulad ni Wendy na lagi kong makakaramay sa lahat ng oras, lalo na sa sitwasyon ko ngayon... siguro kung wala siya kanina, baka di ko kinaya at namatay na ako doon sa sakit.... ang o.a ko nuh? pero seriously ganun talga..kahit kayo pa ang lumagay sa sitwasyon ko

" So what's the plan best?.. " tanong niya

" plan?... " napaisip ako

" yeah.. Hindi ba natin gegerahin yung demonyitang babaeng umahas sa boyfriend mo? or if you want yung boyfriend mo ang gerahin natin? " natawa naman ako saknya ng bahagya kahit sinisipon na ako dahil sa pagiyak ko kanina

 " Best... di ko talaga ang gagawin ko " parang lantang gulay na pagkakasabi ko

" Papatawarin mo parin ba siya? " Nangsinabi ni Wendy yun, hindi ko alam ang isasagot ko..

" Ewan ko best... hindi ko alam... " Hindi ko alam kung kaya ko pa siyang patawarin sa ginawa niya saakin.. masakit..sobrang sakit..

" Anong gagawin ko Wend's? *sniff* mahal ko si rony *sniff* mahal na mahal.." ayan nanaman! yung mga luha kong hindi na nauubos sa pag-agos sa mga mata ko

" Kalimutan siya.. MOVE ON ika nga nila " at inemphasize niya pa yung salitang MOVE ON

" Madaling sabihin best...pero mahirap ee  " yumakap ulet saakin si Wendy 

" Kaya mo yan best.. You should.. "

You're Still The One [ One Shot Story ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon