III Lucid Dream

8 2 0
                                    


My Incomparable Figment III



-Keisha-


I saw a little girl from afar. She's so afraid. She's nowhere to go and she's weak. Napakabangis ng lugar na ito para mag-isa niyang tahakin. Hindi malabong kamatayan ang kakaharapin niya. Delikado.

Nasaan kaya ang pamilya niya?

Mula dito sa malayo, kitang-kita ko pa rin ang mga galos sa katawan niya. Ang ilan ay halatang sariwang sariwa pa dahil sa preskong bakas ng dugo sa balat niya. I don't know her but she begged and cried for help so I did. Lumapit ako.

There's something in me na parang nag-aapoy kapag nakakakita ako ng battered child. Nanggagalaiti talaga ako. Parang may malaking puwang sa puso ko ang pilit binabasag.

About a thousand steps we were standing at that dark road, where deafening silence and darkness dwell and seems are chasing us.

We already took those steps but it seems endless. No matter how hard we tried its never been enough.

"I want to go home"—she cried.

I've strived. I exerted my efforts. But it's never enough. I want to help her. Pero paano?

She's like me longing for a family. A family to raise and love and care for me.

Suddenly I saw light. A lasting light peeking outside from a simple house. Sa lahat ng dako ng iyon lang ang masaya. Iyon lang ang makulay at mapayapa.

"Mama. . ." she cried. Dali-dali kong binuhat ang bata at tumakbo papunta roon.

Nagmamadaling binuksan ko ang pinto. Nakita ko ang isang pamilya. Tumakbo ang bata papunta sa mama niya. Ang saya nila tingnan. Kitang-kita sa mga nagliliwanag nilang mata ang buong pusong pananabik. Ang hihigpit ng kanilang mga yakap na hinihigit din ng mga kamay ko ang magkabilang braso ko.

I wonder if I ever experienced this feeling before. I wonder if I have been loved, if I have been stared like how this mom stare at her daughter in her full attention and love.

My sight blurred as droplets of salty water simultaneously run through the vast of my face.

"Uy!"

Agad kong ihinilamos ang mga palad ko sa mukha ko nang marinig ko iyon.

"Nandiyan ka nanaman, umiiyak na parang bata. Sinabi ko nanaman sayo na ayos lang umiyak dun sa mundo niyo. Hindi yung dito ka pa talaga humahagulgol samantalang piksiyon lang lahat ito. Dun ka umiyak sa totoong mundo mo para totoo ring mabawasan yang dinadala mo. Alam mo namang.."

Ibinusal ko sa bibig niya ang mga kamay ko para patigilin siya sa mga walang kwenta niyang salita.

"Eh pano nga? Huh? Eh lahat ng alaala ko sa totoong mundo nadadala ko dito, pero lahat ng alaala ko dito ay di ko nadadala doon sa labas. At tsaka teka nga, akala ko ba dreamtraveler ka lang huh?!" sarkastikong tanong ko sa kaniya.

"Tagamasid, tagabantay at tagarecord ng mga panaginip..supposedly tahimik. Anyare sayo? Bwisit!" pagtataray na dagdag ko at inirapan ko siya.

"Sus! Namiss lang kita. Alam mo namang ikaw lang nakakausap ko diba. At alam mo bang ilang lingo na ako dito sa dreamroom mo na sobrang dilim dahil gising ka pa? Malungkot na naghihintay m-a-g-i-s-a?" pagpapaliwanag niya na halos lagi na lang niyang speech tuwing mananaginip ako.

My Incomparable FigmentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon