Jungkook: 4

1.7K 56 10
                                    

Pagkapasok ko ng kwarto ko ay nagbihis muna ako bago umupo sa kama. Binuksan ko ang box ng phone na binigay sa akin ni Jungkook kanina. May nakalagay din sa paper bag na sim card at may note na nagsasabing ito yung sim card ko mula dun sa nabasag kong phone. Buti nalang at naisip niya na ibigay sa akin yung sim card na ito, nandito kasi lahat ng contacts ko.

Isinaksak ko ang sim card at saka inopen ang phone. Gusto ko sanang magpasalamat kanina kay Jungkook para dito sa bagong phone, kaso huli na nang maisip ko kase nakaalis na siya.


[Time skipped]

Nagising ako sa ring ng phone ko. Nag-unat unat muna ako bago sinagot ang tawag. "Hello?" mahina kong tanong.

"Is this, Min Scarlet?" may babaeng nagtanong mula sa kabilang linya.

"Yes."

"This is Jeon's cafe. Tanggap ka na sa trabaho mo. You'll start later at 9 AM, please don't be late."

Napaupo ako mula sa pagkakahiga ng biglaan nang marinig ang sinabi niya. "T-thank you po!" nauutal kong sagot bago niya pinatay ang tawag. Yung Jeon's cafe ay yung inaplayan ko bago ako nasagasaan. Tandang-tanda ko pa yung time na sobrang haba ng pila dahil ang dami ding nag-aaply. Akala ko di na ako makakaabot dahil malapit na silang mag-sara. Di ko akalain na matatanggap pa ako, ang swerte nga naman.

Tumayo na ako at saka naligo. Dumiretso na ako ng kusina para kumain, kanina ko pa naaamoy yung luto ni Jimin. As a usual day for me, wala si kuya kahit maaga pa. Ganito ang buhay nilang mga doctor, halos lahat ng oras nila nasa hospital.

Umupo ako sa upuan habang pinagmamasdang nagluluto si Jimin. Maya-maya pa ay natapos na rin siya at saka nilapag ang pagkain sa mesa.

"Teka, makakain ba ito?" biro ko kay Jimin na ngayon naman ay nakaupo na sa upuan kaharap ko.

"Oo naman, ako pa ba?" nakangisi niyang sagot at nagsimula nang kumain. "May lakad ka? Bakit nakabihis ka ng ganyan?" tanong sa akin ni Jimin at napahinto ako sa pagkain.

"Ah wala, may pupuntahan lang diyan sa may kanto."

"Luma na iyang excuse mo, Scarlet. Wala na bang bago?" Ngayon ay nakatitig na sa akin si Jimin. Lagi niyang nabibisto kaagad kapag nagsisinungaling ako.

"May inaplayan akong part-time job doon malapit sa school, ngayon yung first day ko. Please Jimin wag mong sasabihin kay kuya na magtatrabaho na ulit ako, papagalitan ako nun." I tried my best to convince him but his expression wasn't helping at all.

Pinagbawalan na ako ni kuya magtrabaho. Nung isang araw lang, nag-usap kami ni kuya about dun sa dalawang part-time jobs ko after school. Sabi niya mag resign na daw ako kase baka may mangyari pang masama ulit sa akin, nagcocomute pa naman rin ako. Baka masagasaan ulit o kaya naman may kumidnap sa akin diyan na sindikato kase uso na raw ang nangingidnap ngayon.

Ngayon ko lang ulit nakita si kuya na ganoon kapraning. Yung last na beses na naging praning siya is nung pagkatapos namatay ng parents namin, ayaw na niyang sumasakay ng kotse. Halos isang taon din bago niya naalis yung pagkatakot niya sa pagsakay ng mga kotse.

"Ang tigas talaga ng ulo. Antayin mo ako, sasama ako papunta dun."

"Wag na," agad kong sabi. He gave me a look na parang nagsasabing pag di ako pumayag ay isusumbong niya ako kay kuya. "Sige na nga," I said as I sighed in defeat.

Wala naman sigurong masama kung isasama ko siya diba?

Pagkatapos namin kumain, umakyat na si jimin dun sa taas para maligo, nandun kase yung banyo namin sa second floor katabi ng kwarto ko. Habang wala siya, umupo muna ako dun sa sofa at nag scroll muna sa instagram account ko dun sa bagong phone na binigay ni Jungkook sa akin.

Hate me not | √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon