Jungkook: 12

897 32 0
                                    

I woke up at the sound of my phone ringing.

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at sinagot ang tawag sa phone ko. "Hello?" inaantok kong tanong. Hindi ko na nakita kung sino yung tumatawag sa akin, sinagot ko nalang kaagad.

"Scarlet, kuya mo 'to. Suspended lahat ng klase ngayong araw kasi may bagyo. Matulog ka lang diyan, alam kong puyat ka. Kinuwento sa akin ni Taehyung yung nangyari kagabi."

Biglang nagising yung diwa ko sa sinabi ni kuya. Sabi ko kay Taehyung wag sabihin eh.

"Kuya, I was with Jimin yesterday--" nag-try ako magpaliwanag pero heto namang si kuya, nagsalita agad.

"I know, I know. Like I said, Taehyung told me everything. Naiintindihan ko naman na kailangan mo alagaan si Jimin kase may lagnat siya pero ang sa akin lang, sana naman huwag kang gabing-gabi umuuwi ng bahay. Delikado na sa panahon ngayon, maraming adik at manyak diyan sa labas. Baka mamaya kung ano pang mangyari sayo, babae ka pa naman."

Here we go again, umagang-umaga busog na ako sa pangaral ni kuya. "Hinatid po ako ni Jimin kagabi, kuya. You don't have to worry...and besides, safe naman akong nakauwi ng bahay, diba?"

"Yeah, but don't do that again, okay?"

"Yes, kuya."

"Siya nga pala, maaga kami ni Taehyung umalis kanina. Maraming emergency patients dito sa hospital ngayon eh. Huwag kang lalabas ng bahay, sobrang lakas ng bagyo ngayon."

"Mga anong oras kayo uuwi nila Taehyung, kuya?"

"Maaga ang uwian namin ngayon kase nga may bagyo kaya baka diyan na rin kami maghapunan. Ibababa ko na, tinatawag na ako sa E.R."

Bago pa ako makasagot ay pinatay na ni kuya yung tawag. Napatingin ako sa bintana ng kwarto ko. Tama nga si kuya, ang lakas ng bagyo.

Gising na kaya si Jimin? Malamang puyat din iyon. Siya naman kasi may kasalan kung bakit kami napuyat eh.

Uuwi na sana ako pagkatapos namin mag-dinner sa bahay nila pero pinilit niya akong mag-stay. Mag-movie marathon daw muna kami bago ako umuwi. Tutal magaling naman na daw siya mula sa lagnat at pwede na daw manood.

"Pumasok kaya yun ngayon?" tanong ko sa sarili ko. Dinial ko yung number niya at nag-antay na sagutin niya yung tawag. Maya-maya pa ay sumagot na din siya.

"Pumasok ka ba ngayon?" agad kong tanong.

"Nope, nag-text si kuya Yoongi. Suspended daw lahat ng klase ngayon dahil may bagyo daw at sinabihan akong wag lumabas ng bahay. Ikaw? Where are you?"

"Nandito sa bahay, ang boring nga eh. Punta ka ba dito?...Punta ka na dali," pamimilit ko sa kanya, hoping he would say yes.

"Sige, sige. Papunta na ako." Iyon ang huli niyang sinabi bago ako pinatayan ng tawag. Bumangon na ako at dumiretso sa pagligo. Pagkatapos noon ay nagbihis na ako at nanood ng TV sa sala.

Habang nanood ako, may biglang kumatok sa pinto. Si Jimin ba yun? Parang ang bilis naman ata niya.

"Sandali lang!"

Pagkabukas ko ng pinto, laking gulat ko nang iba ang makita ko at hindi si Jimin.

"Jungkook? Ano ginagawa mo dito? Halika, pasok ka muna, ang lakas ng bagyo." Pinapasok ko siya at pina-upo sa sofa. Di ako disappointed na siya yung dumating, I'm just shocked. In fact, I'm happy kapag nakikita ko siya. Pero, bakit kaya siya pumunta dito?

"Ang lakas ng ulan ngayon, bakit ka nandito?" tanong ko. Bigla naman siyang nag pout. May nasabi ba akong mali?

"Hindi ka ba masaya na nandito ako?" tanong niya. Muntik na akong matawa nang marinig ko ang sinabi niya.

Hate me not | √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon