Jungkook: 6

1.3K 32 10
                                    

Kim Taehyung.

Pagkatapos umalis nung makulit kong pinsan, bumili ako ng pandesal doon malapit sa kabilang kanto. Tinatamad na akong magluto, si Scarlet naman doon na daw siya sa school nila kakain, may baon naman daw siya.

Pagbalik ko sa bahay, kumain na agad ako at naligo and then after nun, nilock ko na yung bahay at ssaka naglakad doon sa parahan ng jeep.

And init talaga dito sa Pilipinas. It's my first time here. Doon kase ako lumaki sa America. Tinuruan lang ako ng parents ko mag tagalog kaya alam ko. Wala naman talaga akong balak pumunta dito pero pinilit ako ng parents ko. Para daw makasama ko naman yung mga pinsan ko kahit ilang taon lang.

Sawa na ba sila sa akin kaya pinatapon nila ako dito? Ganoon na pala ngayon no? Pag hindi mo na kailangan ang isang tao at di mo na mahal, tinatapon mo nalang na parang basura. Grabe sila, buti nalang kaclose ko sina Scarlet at kuya Yoongi kaya pinayagan nila ako na doon na sa kanila tumira. Bawas gastos.

Kung magrerent pa ako ng apartment, mauubos kaagad yung binigay nilang kapiranggut na allowance. Salamat kay kuya Yoongi at tinulungan ako makahanap kaagad ng trabaho dito. I graduated two years ago as a medical student sa America. May one year experience na ako sa pagtratrabaho sa isang malaking hospital doon bago maisipan ng parents ko na itapon ako dito sa Pilipinas.

Not literally itapon, kase nag eroplano ako papunta dito.

"Hoy! Sasakay ka ba? Nakaharang ka sa daanan eh. Excuse me lang ha," sigaw nung babae sa likod ko. Di ko namalayan na nakatulala na pala ako. Sumakay na ako ng jeep at nagbayad. Makalipas ang halos twenty minutes, nakarating na ako doon sa tapat ng hospital building na sinasabi ni kuya Yoongi.

Habang naglalakad ako papunta sa main entrance ng hospital, may bumagga sa akin mula sa likod. Muntik na akong matumba pero naagapan ko iyon.

"Ay sorry! Sorry talaga, ayos ka lang ba?" May narinig akong pambabaeng boses na nagsalita. Paglingon ko sa likod ko, nakita ko yung babae na sumigaw sa akin kanina sa parahan ng jeep.

Wow, siya nanaman?

Wow, siya nanaman?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Doctor din kaya siya dito? Hindi eh, mukhang masyadong bata para maging doctor. Mga kaedaran lang ata to ni Scarlet.

"Ayos lang ako," sagot ko sa tanong niya kanina. Mukhang nagulat din siya nung makita niya yung buong mukha ko. Sino ba naman di mapapanganga sa kagwapuhan ko diba? I mean baka namukaan niya na ako yung sinigawan niya kanina sa jeep. Napahiya siguro siya.

"Ay ikaw pala. Sorry ha...dun sa nangyari kanina sa parahan ng jeep. Nagmamadali lang talaga ako kanina tapos nakaharang ka pa at nakatulala kaya nasigawan kita."

"I understand." Ngumiti ako sa kanya at tsaka nag lakad na papunta sa entrance. "Wait! Saglit lang!" narinig kong sigaw niya kaya napahinto ako. "Sabay na tayo, dito rin ang punta ko. Siya nga pala, I'm Tzuyu. You are?" Inabot niya yung hand niya for a handshake.

"Taehyung." Nakipag-kamay ako sa kanya.

"Tara?" yaya niya at pumasok na kami sa hospital.


Min Scarlet.

"Kita nalang tayo mamaya sa susunod na klase," pagpapaalam ko kay Jimin bago siya tuluyang umalis. May mga klase na hindi ko siya classmate at meron din namang mga klase na classmate ko siya.

Pagkarating ko dun sa next class ko, nakaupo na ang lahat at sobrang tahimik. Doon ko lang napansin na late pala ako kasi nakatingin na sa akin lahat ng classmate ko pati na rin ang professor namin na si sir Namjoon.

"Please go to your seat, you're interrupting my discussion," kalmadong sabi ni sir. Naiintindihan ko kung bakit walang nag-react. Tahimik ang lahat pag si sir Namjoon na ang nagtuturo dahil nakakatakot itong magalit.

Agad na akong pumunta sa bandang likuran kung saan yung pwesto ko. Pag-upo ko, napansin ko na may katabi na pala ako. Wala kasi talaga akong katabi dahil ayaw kong maistorbo pag nag-aaral ako. Si Jimin lang ang tanging tumatabi sa akin, exception siya kase best friend kami.

Umupo na ako at inilabas ang notebook sa bag ko kasama na ang ballpen. Di ko masyadong makita yung mukha nung katabi ko kase nakalingon siya sa iba pero nung lumingon siya sa akin ay nagulat ako.

"J-jungkook?" 



--

second update today kase nga di ako nakapag update last two weeks. 

another pic? 

di ko makakalimutan yan syempre.

di ko makakalimutan yan syempre

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

okay I'm dead. sinong nakakarelate sa akin dito?

sino gusto niyo makita sa next chapter?

-jee

Hate me not | √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon