Jungkook: 39

315 19 14
                                    

Min Scarlet.

"Kung gising lang si Scarlet, hindi niya rin gugustuhing makita ang walang hiyang 'yon. Tama lang na pinaalis ko siya dito," narinig kong sambit ng isang pamilyar na boses. Pinilit kong imulat ang aking mga mata sa kabila ng labis na pagsakit ng aking ulo at buong katawan. 

Naramdaman kong may mahigpit na humawak sa aking kamay at nang tuluyan ko nang maimulat ang aking mga mata, nakita ko ang mukha ng pinsan ko na puno ng pag-aalala. Nakangiti ito sa akin kahit na bakas sa kanyang mga mata ang pamumula ng mga ito dala ng kaiiyak. 

"Scarlet, mabuti naman at gising kana," sambit nito bago hinalikan ang aking noo. "Nagsisimula na akong mag-alala dahil halos dalawang araw ka nang walang malay," muli siyang nagsalita.

Sinubukan kong alalahanin ang lahat para malaman kung bakit ako nasa hospital pero sumakit lang lalo ang aking ulo. Hindi ko na sinubukang alalahanin ang mga nangyari, minabuti ko na lang na magtanong na deretso sa aking pinsan. 

"Anong...anong nangyari?" tanong ko kay Taehyung. Kahit na hindi ko matandaan ang mga nangyari, ramdam ko ang pagbigat ng aking loob. Napalunok ako para pigilan ang posibleng pagtulo ng aking mga luha na hindi ko naman alam ang dahilan. 

Napaiwas ng tingin si Taehyung at nakita ko ang pagkawala ng ngiti nito. Halos ilang segundo rin kaming natahimik bago siya ulit tumingin sa akin. Bakas sa mga mata niya ang kalungkutan. 

"Wala na si Jimin," ang tanging lumabas sa bibig nito.

Halos tumigil ang pagtibok ng puso ko dahil sa sakit. Umiling ako sa kanya, ang mga pinipigilan kong luha ay kusang tumulo. "Ano...h-hindi...paano." Hindi ako makapagsalita ng maayos dala ng aking paghikbi. Doon na pumasok sa aking alaala ang lahat ng nangyari sa amin bago ako nawalan ng malay.

Bawat detalye, parang baha na umaagos sa aking isipan. Tanda ko ang lahat ng nangyari sa amin, ang pagligtas ni Jimin sa akin. 

Umupo si Taehyung sa kama ko at niyakap ako ng mahigpit. Para akong nawalan ng lakas na hindi ko man maigalaw ang aking katawan o makapagsalita. Ramdam ko ang pagtraydor ng tadhana sa amin. Ang sakit, sobrang sakit. 

Lumabo ang aking paningin dahil sa walang tigil na pag-agos ng aking mga luha. Hindi ko kakayanin 'to. Ayoko nang mabuhay. 

Humiwalay si Taehyung sa pagkakayakap sa akin at mahigpit na hinawakan ulit ang kamay ko. "Nang dumating kami sa mansyon, wala na kayo ni Jimin. Hinuli ng mga pulis si Jin at ang mga tauhan nito. Hinanap namin kayo ng mga pulis at nakita ka naming walang malay sa buhanginan," napatigil bigla si Taehyung sa pagsasalita. Kitang kita ko ang pagpipigil niya ng kanyang mga luha. 

Ayoko nang marinig ang mga susunod niyang sasabihin. Para akong dinudurog dahil sa mga naaalala ko.

Nakita ko siyang napabuga ng malalim na hininga bago siya ulit tumingin sa akin. "Sabi nung ibang tauhan ni Jin, nalaglag daw ang kotse na sinasakyan niyo ni Jimin sa bangin papunta sa dagat. Pinahanap ko si Jimin...trust me, Scarlet, umasa akong buhay pa si Jimin pero...hindi na namin siya naabutan ng buhay. Nang makuha namin ang kotse niya sa tubig, dinala namin siya kaagad sa hospital pero dahil nga ilang oras na siyang nasa ilalim ng tubig..." Pinutol ko ang mga salita ni Taehyung. 

Sadyang sobrang sakit lang ng mga naririnig ko. "T-tama na, please." Lalo pang tumindi ang pag-iyak ko. 

Bakit ba lahat na lang ng taong mahalaga sa akin ay iniiwan ako? Parents ko, si kuya, pati ba naman si Jimin? Ngayon si Jungkook na. Hindi ko na siya kayang makita pa. Galit ako pero mas nasasaktan ako. Sinong isusunod nila ng pamilya niya? Si Taehyung?

Tumayo si Taehyung mula sa pagkakaupo, at nagsalita. "Aalis muna ako para makapag-isip isip ka," huling sambit nito bago siya tumalikod sa akin at naglakad paalis. Ang puting coat niya na pang doctor ang huli kong nakita bago ako nag-iwas ng tingin. 

Hate me not | √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon