Jungkook: 27

324 15 1
                                    

3rd person's POV

"Sige kuya, I'm on my way there," huling sabi ni Jungkook sa kuya Hoseok niya bago nito pinatay ang tawag. Sinabihan siya ng pinsan niya na umuwi daw kaagad kasi kakauwi lang ulit ng kanyang ama galing sa ibang bansa. Kahit na hindi gusto ni Jungkook na umuwi, sinunod niya pa rin ang sinabi sa kanya.

Nagmamadali niyang iniligpit ang kanyang mga gamit at saka dumeretso sa exit ng buliding, bitbit ang kanyang bag. Papalabas na siya ng gate nang mapahinto siya bigla dahil narinig niyang may tumawag sa kanyang pangalan. Lumingon siya at nakita si Eunha.

"Jungkook! Sandali, naiwan mo yung..." hindi na natapos ni Eunha ang kanyang sasabihin nang siya ay natapilok at nadapa dahil sa pagtakbo papunta kay Jungkook.

"Shit!" napamura ito sa sakit, ang kanyang palad at tuhod ay duguan dahil sa pagkakadapa sa mga magagaspang at maliliit na bato.

Nagulat si Jungkook sa nakita niya at agad na nilapitan si Eunha, ang mga kamay niya ay parang automatic na napahawak sa mga kamay ni Eunha.

Nang makita ang dugo sa palad nito, inilabas ni Jungkook ang kanyang panyo at ibinalot ito sa may sugat na parte ng palad ni Eunha.

"You shouldn't have ran, iyan tuloy," napapailing na sabi ni Jungkook. Tinulungan niyang makatayo ang dalaga at nagtanong, "Bakit mo nga pala ako tinawag?"

Nang maalala ng dalaga ang pakay niya, mabilis niyang inilabas mula sa bulsa ng kanyang palda ang cellphone ni Jungkook.

Napangiti ito ng kaunti. "Naiwan mo kasi yung phone mo sa ibabaw ng desk mo," wika nito. Kinuha na ni Jungkook ang cellphone niya at nagpasalamat sa ginawa ng dalaga.

"Uh...kaya mo ba maglakad?" nag-aalalang tanong ni Jungkook kay Eunha habang nakatingin sa dumudugong mga tuhod ng dalaga.

"May susundo naman sa akin, need ko lang ng help palabas ng university. Okay lang ba?"

Nang tumango ang binata bilang pagsagot, ikinawit ni Eunha ang kanyang braso sa braso ni Jungkook bilang pagsuporta sa kanya upang siya ay makapaglakad ng maayos.

Hindi mapigilan ni Eunha ang kanyang ngiti dahil sa sobrang lapit ng kanyang crush sa kanya.

Nang makarating sila sa waiting shed ay binitiwan na rin niya ang braso ni Jungkook.

"Patingin nga ng isa mo pang kamay."

Mabilis na ipinakita ni Eunha ang kanyang palad kay Jungkook at nang nakita ng binata na gasgas lang ang nandito at walang dugo, nakahinga siya ng maluwag. Inalis na ni Jungkook ang pagkakahawak niya sa palad ng dalaga pero mabilis ring hinawakan ni Eunha ang kamay niya.

Nagtagal ito ng ilang segundo dahil sa hindi paggalaw ni Jungkook sa gulat.

"Jungkook?" Napalingon silang dalawa nang marinig ang boses ni Scarlet. Napangisi lang si Eunha nang makita niya ang kanyang kaaway. Pero wala kay Eunha ang atensyon ni Scarlet kundi nasa kamay nito na nakahawak pa rin sa kamay ni Jungkook.

"Scarlet, it's not what you think," sinubukang magpaliwanag ni Jungkook.

"So totoo nga?" hindi makapaniwalang wika ni Scarlet. Unti-unti niyang naramdaman ang pag-init ng sulok ng mga mata niya, pinipilit na huwag pakawalan ang mga luhang gustong-gusto nang kumawala.

Sa loob ng ilang linggo, pinilit niyang kimkimin ang sakit, pero sa tuwing nakikita niya ang ginagawa sa kanya ni Jungkook, siya'y nanghihina at nasasaktan.

Ilang araw na mula nang nakita niya si Eunha at Jungkook na magkasabay sa cafeteria at mula nang narinig niya ang mga balita.

Mabilis na inalis ni Jungkook ang pagkakahawak ni Eunha sa kamay niya at nilapitan si Scarlet pero ang dalaga ay tumakbo na palayo nang makita siyang papalapit.

Hate me not | √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon