Chapter 1

40 3 4
                                    

Violet's POV

Naglalakad ako sa corridor kasama ang boy best friend kong si Xian nang may biglang tumawag sakin.

"Violet! Violet!"

Nang lingunin ko ay nakita ko ang kaklase kong si Meritt na tumatakbo papalapit samin.

"Oh bakit? Anong kailangan mo?", tanong ni Xian sa kanya.

"Si. Ano. May u- umaaway. Kay. kay Jiselle.", hinihingal na sumbong ni Meritt.

"Asan sila?", mabilis na tanong ko.

"Nasa canteen sila. Bigla na lang siyang pinalibutan nila Jester."

Nagkatinginan kami ni Xian. The Bitches. Hilig talaga nilang mang away ng walang dahilan.

Agad kaming nagtungo papuntang canteen para puntahan si Jiselle. Pangalawang araw pa lang at pangalawang araw na nilang binubully si Jiselle. Kung bakit ba kasi sobrang bait nun e. Masyadong kasing anghel ang babaeng iyon eh.

Nang makarating kami ay saktong binuhusan ni Margoux ng juice si Jiselle. That bitch! Iniinis talaga nila ako e .

"Ano? Bakit hindi ka lumalaban? Nagbabait baitan ka lang naman e. Bakit di mo ilabas ngayon iyang panget mong pag uugali?", maarteng sabi ni Elizabeth kay Jiselle.

Dahan - dahan akong lumapit patungo sa likuran nila ng di nila napapansin. Nakayuko lang si Jiselle habang basa ang buhok dahil sa juice na ibiuhos sa kanya.

"Kayo lang naman ang may panget na ugali dito. Ang lakas rin ng loob niyong sabihan siya na panget ang ugali niya, pero ang totoo kayo naman talaga iyon. Baka nakakalimutan niyo, siya ang anak ng may ari ng school na ito. She can kick you out of this school whenever she wants", litanya ko habang papalapit sa kanila.

"Nandito na ang bayani. Ang bayaning gold digger. Magpapabida ka nanaman ba para purihin ka ng lahat? Poor Violet, seeking for the attention of others. Bitch.", apila naman ni Gowther. Psh. Bakla. 

Nilingon ko na muna si Xian na nasa likuran ko.

"Samahan mo na muna si Jiselle papuntang clinic, susunod ako sa inyo."

"Sumunod ka agad.", aniya saka sinamahan si Jiselle paalis ng canteen.

Nang makaalis sila ay binaling ko na ang atensyon ko sa mga lintek.

"Are you referring to yourselves? Sorry but I don't seek for others attention cause I don't even need it at all. You are just worthless immature people who always bully someone who doesn't fight back. Baket? Kase duwag kayo. If I'm a bitch, ano pa kayo diba? A whore, I guess.", ani ko habang blankong nakatingin sa kanila.

"If the shoe fits.", nakangising tugon ni Gowther. Anak ng tokwa, ang haba ng sinabi ko tapos yun lang irereply nila? Batuhin ko kaya to ng kaldero?

"Well it doesn't fits me. Cause it fits you more."

Matapos kong sabihin yun ay binigyan ko sila ng isang matamis na ngiti, saka ko sila tinalikuran. Sakto namang nagtext si Xian at sinabing nasa clinic na sila.

--------------------------------

Binilisan ko ang paglalakad nang malapit na ako sa clinic. Pagdating ko ay nakita ko si Jiselle na nakaupo sa isang hospital bed habang may hawak na yelo na nakadikit sa kaniyang kaliwang pisngi.

Napatingin pareho sakin si Xian at Jiselle. Agad na lumapit sakin si Xian.

"Ayos ka lang ba?", nag aalala niyang tanong sakin.

"Oo ayos lang ako. Wala naman silang ginawa sakin. Anong nangyari kay JIselle?"

"Turns out, sinampal pala siya ni Margoux kanina bago pa man tayo makarating. Kanina pa namumula yung pisngi niya, pero , ayos na siya ngayon.", pagpapaliwanag niya.

"Wala talagang magawang matino ang grupong yun."

Matapos kong kausapin si Xian ay agad akong lumapit kay Jiselle.

"Ayos ka lang ba? Ano pang ginawa nila sayo? Sobrang sakit ba ng sampal sayo?", sunod - sunod at nag aalala kong tanong sa kaniya.

"Okay na ako ate Violet, wag kang mag alala. Mawawala rin to, medyo namumula pa at masakit pero gagaling din ito."

Kala ko ba ayos na? Kala ko ba hindi na namumula? Tinignan ko si Xian na agad na nag iwas ng tingin. Siraulo talaga tong lalaking ito.

Matapos ang ilang minuto ay tumunog na ang school bell, hudyat na tapos na ang break time. Putek, di pa nga kami nakakakain! Anak ng ginko trees naman oh!

"Ate Violet, kuya Xian, sige na pumunta na kayo sa classroom at baka malate pa kayo. Kaya ko na ang sarili ko.", sambit ni Jiselle.

"Sure ka? Sasamahan na lang kita dito. I'll just skip class."

"Hindi na ate, kaya ko na talaga. You don't have to skip your class. Sige na ate, kita na lang tayo mamaya.", tugon niya saka ako nginitian.

Gusto ko pa sanang mag -stay para bantayan siya pero hinila na ako ni Xian.

"Tara na. Wag ka mag alala, kakain na lang tayo mamaya sa labas tapos isama na lang natin si Jiselle."

"Libre mo?", tanong ko kay Xian.

"Oo libre ko." Yay! Free food!

Binilisan na namin ang paglalakad. Buti na nga lang at magkaklase kami. Nang makarating kami ay wala pa si Mrs. Ocampo. Tinignan ko ang buong classroom, hinahanap ang limang taong kinaiinisan ko. Ngunit wala akong nakita ni isa sa kanila. Pumunta na agad kami sa pwesto namin dahil ilang minuto na lang ay magsisimula na ang klase.

Lumipas ang ilang minutong paghihintay, pero wala pa rin ang science teacher namin. It's already 10:10 am, 10 minutes nang late si maam. Yumuko na muna ako sa desk ko, at unti unting bumibigat ang talukap ng aking mga mata.

-------------------------------------------------------------------

Yey published na ang chapter 1! Hope you read it guuys. Don't forget to vote. Labyuuuu hihe

P.S Si Jiselle yung nasa picture sa taas

Fake LoveWhere stories live. Discover now