Nagising na lamang ako ng maramdaman kong may nakatitig sakin. Nang tignan ko ay naabutan kong nakatitig sakin si Xian.
"May problema ba?", tanong ko sa kanya habang ako'y nag iinat at kinukusot ang mata. Aish! Ang sakit ng likod ko.
"Ha? W - wala.", aniya sabay iwas ng tingin.
Nilibot ko ang aking tingin. Nakapagtatakang biglang kumonti ang mga kaklase ko na nasa classroom. Bago pa man ako magtanong ay sinabi na agad sakin ni Xian ang dahilan.
"Hindi dumating si Mrs. Ocampo, may meeting ang mga teachers kaya wala na daw klase at pwede na umuwi.", paliwanag niya. Napa - 'ahh' na lang ako. Pero huwaw, second day of school pa lang pero ganito na agad.
"Kamusta tulog mo?". tanong niya sakin.
"Ayos lang, medyo sumakit lang yung likod ko."
"Yan kasi, natulog ka pa ng nakadukdok dyan sa mesa, hindi ka na lang sumandal sakin. Magkatabi lang naman tayo."
"Hindi na, edi pinahirapan pa kita diba?"
"Aish, you always think of others before you think of yourself."
"That's me.", pagmamayabang ko pa.
"Baliw.", aniya saka ginulo ang buhok ko habang naglalakad na kami palabas ng classroom.
Nasa corridor na kami ng maalala ko si Jiselle.
"Xian, si Jiselle pa!"
"Tumawag siya kanina after i - announce na wala ng klase. Sabi niya mauuna na daw siya umuwi at magpapasundo na lang daw siya.", sambit niya.
"Eh? Sayang naman.", napanguso na lang ako sa narinig ko. Gusto ko pa naman siyang makasama ngayyon.
Nabalik ako sa ulirat ng kurutin ni Xian ang pisngi ko.
"Wag ka na malungkot dyan, May next time pa naman e. Saka kakain pa tayo diba? Libre ko kaya.", oo nga pala, manlilibre nga pala siya hehe.
Tumango na lang ako. Nakakaramdam na ulit ako ng gutom. Oras ng tanghalian na rin kasi.
Sa pinakamalapit na mall kami pumunta. Bawat taong nadadaanan namin ay napapatingin samin, hindi ko alam kung bakit. Hindi ko nga alam kung si Xian ba o ako ang tinitignan nila, pero siguro si Xian. Gwapo kasi ng bespren ko! Ha!
Sa KFC namin napiling kumain. Bakit? Kase unlimited ang gravy dito HAHAHAHAHA! Naghanap na ko ng mauupuan at si Xian na daw ang oorder. Nakahanap ako ng pandalawahang upuan na malapit sa bintana. Medyo maraming tao dito gawa ng maagang uwian. Oh! Oo nga pala, nakalimutan kong magpakilala. Pakain na ko't lahat - lahat tas di niyo pa pala ako kilala, how careless of me hihi.
Ako nga pala si Jennica Violet Parker. 14 years old. 3rd year highschool. My family owns the Parker Incorporation.
Ang lalaking kasama ko naman ay si Xian Gerald Ocampo. My no. 1 Boy Best Friend. He's 15 years old. 3rd year highschool din siya at magkaklase rin kami. Dapat nga ay 4th year na si Xian ngayon, pero tumigil siya ng isang taon. Bata pa lang kami ay matalik na kaming magkaibigan, maging ang mga magulang namin ay magkaibigan din.
Okay, nakapagpakilala na ako ah? Knows niyo na ako ah?
Matapos ang ilang minuto ay dumating na si Xian dala ang pagkain namin. Omg, I can smell it! Waaa I'm so hungry na! I feel like my eyes shine the moment I saw and smell the food.
Nang maihain na ang pagkain sa lamesa ay agad akong nagsimulang kumain. Sheeeet, gutom na gutom talaga ako! Hindi rin ako nakapag almusal kanina dahil, dahil wala lang hahaha lol.
Mabilis akong natapos kumain kaya yung choco sundae naman ang nilantakan ko. Nang pareho na kaming matapos ay naglibot na muna kami para bumaba ang kinain namin.
Naisipan naming mag Quantum na lang. Pinagtatalunan pa nga namin kung sinong bibili ng tokens eh, pero sa huli, ako pa rin ang nanalo. Victory!
Naglaro kami ng basketball, barilan, pati ng racing. Marami rami na rin kaming nalaro at marami na rin ang nakuha naming tickets.
Nilibot ko ang aking tingin, naghahanap ng lalaruin. Halos lahat yata ng laro na try na namin eh. Biglang dumako ang tingin ko sa claw machine na puro pikachu ang laman, agad na kuminang ang mata ko at mabilis akong naglakad patungo doon. I love Pikachu! Dali dali akong naghulog ng token at sinimulan ng pagalawin ang claw.
------------------------------------------
Aish! Letse! Nakakabwisit! Hindi ko nanaman nakuha! Nakakainis, huling token ko na yun eh! Nasa kalagitnaan ako ng pagrereklamo ko nang biglang may naghulog ng token sa claw machine na ginagamit ko.
Ilang segundo ang lumipas ay nakakuha siya ng pikachu...
Wait, nakakuha siya? Ng pikachu?
WAAA ANDAYA NAMAN! AKO NAKAILANG ULIT AKO PERO WALA AKONG NAPALA TAPOS SIYA NAKAKUHA AGAD SA UNANG TRY PA LANG!? HOW UNFAIR! ANG DAYA DAYA!
Magwawala na sana ako ngunit laking gulat ko ng iabot niya sakin yung pikachu na nakuha niya. Nagtataka man pero kinuha ko pa rin ito. Nang tignan ko siya ay nginitian niya ko. A genuine one. Pagkatapos nun ay umalis na siya agad. Habang ako ay naiwang tulala.
Sino ba ang lalaking yun?
Nabalik lang ako sa ulirat ng maramdaman ko ang sunod sunod na pagvibrate ng phone ko.
Sino kayang baliw ang tatadtarin ako ng text?
Nang tignan ko ay may limang text akong nareceive. Galing sa iba't - ibang tao, pero iisa lang ang sinasabi sa text nila.
"We'll be home soon. Very soon."
-----------------------------------------------------------
Chapter 2 done yes nameeeeeeeern!! I want to thank my dearest bestieee @jamiebluee for making my book cover. Napublish ko na Chapter 2 just like you wanted. Stay tuned, don't forget to vote! All the love mwah!
P.S nasa itaas yung picture ni Violet at Xian