Violet's POV
Nagising ako dahil sa tunog ng alarm clock ko. Inaantok pa ko, hindi kasi ako kaagad nakatulog kakaisip dahil sa nareceive kong text messages kahapon. Kailangan talaga sabay sabay kong marereceive? Be home soon huh? Could it be them? Isinantabi ko na muna ang isiping iyon bago bumangon at maghanda para pumasok.
Pagkababa ko ay dumiretso na ako sa dining room. Naabutan kong naghahain na ng almusal si manang Elsa sa mesa. Si manang Elsa ang pinakamatagal na naming katulong dito sa bahay. Bata pa lang ako ay siya na ang tumayong pangalawang mama ko dahil laging wala ang parents ko sa bahay dahil busy sila sa pagtatrabaho nila.
Nang makita niya ako ay binati niya ako na siya namang binati ko rin pabalik. Umupo na agad ako upang makapagsimula ng kumain.
Makalipas lamang ang ilang minuto ay natapos na akong kumain at nagpahatid na ako kay Mang Tiyuding papasok.
Mabilis akong nakarating sa school. Hindi naman kasi siya ganun kalayo, kahit magtricycle ka nga lang ay pwede na.
Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa school gate ay marami ng bumati sakin. Nginitian ko na lang sila dahil inaantok pa talaga ako at gusto ko pang matulog.
Malapit na ako sa hagdan nang may biglang nagtakip ng mata ko. Lintek sino ba itong letse na to? Aga aga eh. Masasapak ko talaga to lalo na't inaantok pa ko. Pinaghahampas ko yung kamay ng kung sino mang nagtatakip sa mata ko. Pero one thing's for sure. Lalake to, medyo malaki ang mga kamay eh. Then bigla kong naamoy ang pabango niya, this jerk.
"Get your fvcking hands off my face Xian. I'm not in the mood to play with you."
Doon niya lang inalis ang kamay niya at narinig ko siyang tumatawa. Mabilis ko siyang nilingon para pukulan ng masamang tingin. Pero hindi siya natinag. He still keeps on laughing. What a sweet asshole.
Hindi ko na lang siya pinagtuunan pa ng pansin at tumuloy na sa pag akyat. Bahala siyang maubusan ng oxygen kakatawa dyan.
Nasa second floor pa lang ako. E nasa fourth floor pa yung room ko. Nakakapagod, idagdag mo pang inaantok ako. Huwaw deba.
Tinignan ko ang wrist watch ko, 5:30 pa lang naman ng umaga. Sabi sa inyo maaga pa e! 6:30 kasi ang klase namin hanggang 12:30.
Paakyat na dapat ako ng hagdan nang may marinig akong paakyat. Halatang nagmamadali. Hindi ko na lang pinansin at nagtuloy - tuloy na.
Habang paakyat ay may biglang umakbay sa akin, nang lingunin ko ay nakita ko ang siraulong iniwan ko sa baba kanina.
"Ba't mo naman ako iniwan dun?", tanong niya habang hinihingal pa.
"Paki mo?", saka ko siya inirapan at inalis ang braso niyang nakaakbay sa akin. Binilisan ko ang lakad ko.
"Oy Violet manghintay ka nga!"
"Pakyu! Bahala ka sa buhay mo!", tinakbo ko na paakyat.
Nang nasa third floor na ako ay bigla akong nadulas, putspa kakafloorwax lang ata ng sahig!
Tumama ang pwetan ko sa sahig. Ansakit shet!
"Miss ayos ka lang?", bigla na lamang akong nakarinig ng isang hindi pamilyar na boses ng lalaki.
Nang lingunin ko ay nakita ko ang lalaking hindi ko inaasahang makikita ko dito.
"Ikaw!?"
Ang bahid ng gulat sa kaniyang mukha dulot ng pagsigaw ko ay agad napalitan ng isang ngiti. Siya yun! Siya yung naglaro at nagbigay sa akin ng pikachu na stuffed toy!
"We meet again miss.", aniya at inilahad ang kanyang kamay sa akin.
Agad ko itong tinanggap at saka tumayo.
----------------------------------------
Ilang minuto na rin kaming nag uusap dito sa may third floor. Zeal Hendrickson Aguire pala ang pangalan niya. Transferee lang pala siya dito at ngayon ang first day niya.
"Anong section mo nga pala? Kanina pa tayo nag uusap pero di ko mo pa nababanggit ang section mo.", natatwa kong sambit sa kaniya.
"Silver. Silver ang section ko.", he said while smiling at me. His eyes disappear whenever he smiles.
"What a coincidence."
"Ikaw rin?", tanong niya sakin.
Tumango na lang ako bilang sagot. Nagsimula na kaming maglakad patungo sa classroom namin.
Nang makarating na kami sa pintuan ay bigla na lamang kaming nakarinig ng malakas na sigawan na nanggagaling sa classroom namin.
"Oh my god si Zeal!!"
"Shiiz, dito na siya mag aaral!"
"Oh em kasama niya si Jennica!"
"Are they dating ba?"
"I don't know, pero bagay silaaa!"
"Shit tol ang ganda talaga ni Jennica."
"Oo nga tol eh."
"Ang gwapo talaga ni Zeal!!!"
"Truly! Ang hot pa niya like wat - da - freakin' - god mga sis!"
Grabe, sikat naman pala itong si koya. Peym peym.
Nilingon ko si Zeal at hayan nanaman ang kaniyang ngiti. Ang ngiti kung saan nawawala ang mata niya.
Tumuloy na lang kami ng pasok sa classroom habang nginingitian ang mga kaklase naming walang humpay ang pagbati samin ng 'Maganda Umaga'.
Tumingin ako sa wrist watch ko, 5:53 am. Maaga pa naman, makikinig na muna ako ng music. Kinuha ko ang earphone at cellphone ko sa bulsa ng palda ko saka inilagay sa magkabila kong tenga ang earphone saka namili ng tugtog.
------------------------------------------------------------------
Wazzup! Here's chapter 3! Hope you enjoy it. Pasensiya na kung maikli lang to, hanggang dito na lang kaya ng powers ko e. Anong oras na rin kase oh, madaling araw na kaya! Don't forget to Vote, love love loveeeee