Special Chapter
10 years ago……
*Prince Childhood*
*Flashback*
Prince POV
“Welcome home young master….” bati ng mga maids at butler ng mansion namin. Galing nga pala ako sa Europe at nandito ako ngayon sa Pilipinas because my mom want me to stay here for my safety daw. Actually, isa akong prinsipe it means that my mom and dad were royals. Another reason why my mom brought me here because she want me to experience an ordinary life and im glad that my mom realized that im sick of being a prince. Seriously, I cant describe my life in Europe. Palagi akong nakakulong sa castle, lahat ng mga activities na gusto kong gawin eh doon ko na ginagawa sa castle and sometimes nakakasawa na --- I want to experience new, kaya agad ko namang tinanggap ang suggestion ng mom ko :D
Back to reality na tayo readers. After nila ako batiin eh agad akong dumiretso sa room ko. Napagod kasi ako sa biyahe, nagka-jet lag pa ako, mamaya na ako maglilibot sa mansion.
“Atlast! This is heaven!” agad kong sambit ng maramdaman ko ang lambot ng kama. Hindi rin nagtagal ay nakatulog ako kaagad with a tired smile pictured on my face ;)
After a few hours…..
*dingdong* *dingdong* *dingdong* --- tunog yan ng alarming device na palagi kong dala. Ang alarming device eh para e-remind ako kung ano ang gagawin ko sa araw-araw. Im only 6 years old at kailangan ko talaga ang ganitong device. Mas mabuti pa ang ganitong device kesa sa may yayang parating nakabantay sayo, ayoko nang ganun’ im too old for that. Hahaha :D kahit 6 yrs old lang ako eh mature naman ang utak ko, dahil ito sa aking dad na parating may mga mature na pangaral tungkol sa buhay. Sabi pa niya “if you are truly a man then act like a man.” Kaya nga idol ko si dad eh :D
“naman oh….. I want to sleep more yaya….” sabi ko habang pupungas-pungas na bumangon.
Aside sa pag-alarm eh naririnig ko din ang boses nila sa device na ito and ganun din sila sakin. Kulang pa ang 5 oras na tulog, pero kailangan kong bumangon para matapos ko ang kailangang tapusin. Hindi ako kagaya ng mga batang 6 years old na wala nang alam kundi ang maglaro ng maglaro. As a matter of fact, wala nga akong kaibigan kasi naman nasa palasyo ako parati, kung lalabas man kami eh parati akong nasa tabi ng mga magulang ko’ natatakot siguro ang ibang bata na lumapit sakin because of my parents and my family bloodline.
*Frian Childhood*
*Flashback*
Frian POV
“that’s right son! Aim that spot” sabi ng papa ko sabay turo sa isang lata na halos 2 meters ang layo mula sa kinatatayuan naming dalawa.
Anim na taong gulang pa ako ngunit sinasanay na ako ng papa kong bumaril at maging shooter. Sanggol palang ako ng mamatay ang mama ko sa isang accident. 4 years old ako nang malaman ko kung anong klaseng aksidente ang naranasan ng mama dahil ikinuwento ito ng papa ko sa akin upang imulat na ako sa katotohanan sa klase ng buhay na mayroon kami. Isa sa pinakamayamang pamilya sa buong bansa ang mga magulang ko. Bukod pa dyan eh kinatatakutan din ang papa ko dahil siya ang boss ng pinakamakapangyarihang mafia. Because of that, may nagtangka sa buhay ng mama ko at huli na ang lahat to prevent the accident. Sumabog ang kotseng minamaneho ni mama dahil sa kagagawan ng kaaway ni papa sa pagbebenta sa underground market among the mafias. At ang taong iyon ay pinapatay rin ni papa. Walang sinuman ang makakatakas sa galit ng papa ko, wherever you hide he can find you.