Bago ko simula ang tulang ito, gusto ko lang malaman mo na kahit may iba kana andito parin ako sayo nagmamahal ng totoo
Mahal, naaalala mo pa ba noong una tayong nagkakilala?
Noong niligawan mo ko at pinakilala kila tito at tita?
Ang sarap sa pakiramdam mahal kasi pinakita mo ang totoong halaga koMahal, naaalala mo pa ba noong nagalit ka kasi hindi ko nasunod yung gusto mo?
Yung nagalit ka kasi baka mabastos ako.
E naaalala mo pa ba noong nakipagsuntukan kapa dahil sa isang lalaking humawak sa kamay ko?
Napakaliit na bagay lang non pero salamat kasi alam ko na ayaw mokong mawala sayoMahal naaalala mo pa ba yung mga harutan nating dalawa?
Yung bato-bato pik tapos kapag natalo ako hahalikan moko sabay yayakapin at sasabihan ng "mahal kita"
Ang sarap sa pakiramdam kasi alam kong ako lang at walang ibaNaalala ko pa noong may sakit ako,
Lagi kang pumupunta rito para alagaan at pagalingin ako
Pagalingin sa pamamagitan ng mainit na yakap moPero mahal? Bakit isang araw bigla ka nalang nagbago
Palagi kang galit sakin
yung para bang may nagawa akong pagkakamali sayo?
Hindi naman ako nagkulang ng oras at panahon sayo pero bakit ka nagbago mahal?Minsan naiisip ko nalang na baka may iba nang nagpapasaya sayo
At may iba ka nang gusto.
At tama nga ako mahal
Hindi na ako kundi sya na
pero mahal hindi ko maintindihan kung bakit kailangang maghanap ka pa ng bago
samantalang andito naman ako totoong nagmamahal sayoSiguro nga mas masaya talaga syang kasama kaysa sakin mahal
Patawad kung may nagawa man akong mali kaya naisipan mong maghanap ng iba ngunit sana mahal nagpaalam ka para hindi ako nabigla
ang sakit isipin at naaalahanin na pinagpalit mo nalang ako bigla

YOU ARE READING
Spoken Poetry
PoëzieEto yung mga nais kong sabihin sayo ng harapan ngunit hindi ko magawa kaya gumawa nalang ako ng isang tula.