Mahal mo pa ba ako?
Kasi sa nararamdaman ko ngayon
Unti-unti ka nang lumalayo
Sana naman sagutin mo na ang tanong ko
Kasi pagod na pagod na ako
Pagod na pagod na ako sa kakaisip
Kung mahal mo pa ba ako?
Sa una malambing ka,
Sweet ka,
Palagi kang may oras para sakin
Pero nagayon nawala na
Ang pagkalambing mo, ang kasweetan mo at nawalan ka na rin ng oras sakin.
Pilit kung tinatanong sa sarili ko na
Pinagpalit mo na ba ako sa iba?
May iba ka na bang mahal?
Kasi kung Oo sabihin mo lang
Handa akong tanggapin na wala nang tayo
Kasi hindi naman pwede na dalawa kaming mahal mo
Pero alam mo dahil sa ginagawa mo sa akin ngayon,ang hindi mo pagsabi ng totoo
Mas lalo akong nasasaktan,
Mas lalo akong nahihirapan at
Ang higit sa lahat,
Mas lalo akong umaasa na mahal mo pa rin ako
Umaasa ako na ako pa rin ang mahal mo
Pero sa huli pala, laro lang ang lahat ng to para sayo
Pinaglaruan mo ang puso't damdamin ko
Na ako naman na tatanga-tanga na nagpauto sayo
Nasagot din ang mga katanungang matagal nang gumugulo sa isipan ko
Kung mahal mo pa ba ako?
Mismong puso at utak ko ang sumagot na
Minahal mo ako sa umpisa
Pero sa huli, pinaglaruan mo lang ang damdamin ko.
Pero ok lang, tanggap ko naman na may mahal ka nang iba, na hindi mo na ako mahal
Kaya nga nagawa mong pagsabayin kaming dalawa
diba! diba!
Siguro nga hindi tayo ang nakatadhana para sa isa't isa
Kaya sana hayaan mo ako
Hayaan mo sana akong mayakap ka, sa huling pagkakataon
Salamat sa pagmamahal na ibinigay mo sakin,
Kahit sinaktan mo ako ng lubos
Pero ok lang marami pa namang iba dyan
Marami pang iba na pwedeng magmahal sakin ng totoo
Magpakasaya ka sana sa bago mong mahal
Huwag mo sana syang saktan gaya ng pananakit mos akin
Tandaan mo to
Kahit sinaktan mo ako
Meron ka paring puwang dito sa puso ko
Kaya hangang sa huli nating pagkikita
Paalam na mahal ko.◌⑅⃝●♡⋆♡LOVE♡⋆♡●⑅◌
~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~ ♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡ ♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥