Ikaw, ako, siya, sila, tayo
Tayong lahat.
Sabay-sabay nating binuo ang ating lipunan,
Sabay nating pinapa-unlad
Sabay-sabay nating hinaharap ang anumang bagay na darating
Malaki man o maliit
Masaya man o malungkot
Lagi tayong magkasama.
Munting mundong ating ginagalwan
Mga tanawing kay sarap,
Mga bundok na kay ganfa,
Karagatang kaybughaw
Problemang unti-unting nagaganap
Polusyong patuloy na lumalaganap
Basurang dulo't ay pagbaha
Bagyong patuloy na sumasalanta.
Taong 2020
Taon kung saan
Kung saan puno ng Sakuna! Problema! at Hinagpis!
Taong puno ng mga sorpresa
Mga sorpresang nakakakilabot
Sorpresang... Dala ay lungkot at takot
Takot na nagdulot ng...
Nagdulot ng pangamba sa bawat isa.
Pangabang... Katapusan na ba ng mundo?
Isang pandemikong sakit ang nabuhay
Nabuhay upang pumatay
Pumatay ng libo-libong tao...
Mga taong nawalan ng mahal sa buhay
Na sa isang iglap ay waring nawala ang lahat.