Ilang beses ko bang sasabihin
Na kung magmamahal ka
wag sakin
Masasaktan ka lang sakin
Alam mo kung bakit?
Dahil hindi ko kayang baguhin ang sarili ko.
Dahil hindi ko kayang maging matino para sayo.
Dahil gusto kong paglaruan ang mga katulad niyo.
Pero hindi ko kayang gawin ito sayo.
Hindi ko kayang paiyakin ka
Kasi mahal na kita
Kaya sana maintindihan mo
Na ginagawa ko to para sayo
Para hindi kita masaktan ng lubos.
Para habang maaga pa ay makahanap ka na ng iba na magmamahal sayo ng totoo at tapat.
Yung hindi ka sasaktan
Kaya sana pakinggan mo ako
Alam kong masakit pero
Para sakin mas masakit ang nararamdaman ko
Kahit hindi ko gustong gawin to
Dahil alam kong masasaktan ka
Pero pag hindi ko to ginawa mas masasaktan ka
Kaya sana patawarin mo ako mahal ko.Mahal ko
Tandaan mo kahit hindi pwedeng maging tayo
Mahal na mahal kita.◌⑅⃝●♡⋆♡LOVE♡⋆♡●⑅◌
~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~
♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡
♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥