Mali ba ako?
May mali ba akong nagawa?
Kung wala
Bakit mo ako iniwan?
Bakit? Bakiiitt!?
Sabihin mo naman kung bakit mo ako iniwan
Kung may mali ba sakin
Kasi hindi ko kaya
Hindi ko kayang mawala ka sakin
Dahil akin ka lang
Diba ikaw na mismo ang nagsabi na tayong dalawa na ang para sa isa't isa
Na ikaw na ang kaforever ko.Nangako ka nga sa akin na hinding hindi mo ako iiwan.
Hindi mo ako sasaktan.
Na kahit anong mangyari hinding hindi tayo maghihiwalay
Pero anong nagyari
Lahat ng pangako mo napako
Halos lahat ng sinabi mo ay kasinungalingan.
Pero ako isa lang ang tanong ko sayo hindi mo pa masagot.
Kung may mali ba ako,
Kasi gulong gulo na ang isip at damdamin ko.
Kaya sana naman sagutin mo na ako kung may mali ba akong nagawa
Kasi kung meron babaguhin ko
Kung may kailangan akong layuan
Lalayuan ko
Kasi ganun kita kamahal
Handa akong isuko ang lahat bumalik ka lang sakin.
Hindi ako sumuko.
Tinupad ko naman ang mga pangako natin sa isa't isa
Pero ano
Ikaw ang unang sumuko
Kaya sabihin mo
May mali ba ako!
Ha! Ha!
Sa totoo lang ikaw nga ang maraming mali
Hindi ako
Maski nga ang dahilan kung bakit mo ako iniwan
Hindi mo masabi.
Pero kahit anong gawin ko
Mahal pa rin kita
Kaya sana naman bumalik ka na sakin
Handa naman akong baguhin ang mali ko
Pero paano ko magagawa yun
Kung hindi ko naman alam kung ano ang mali ko
Kasi hindi mo naman sinasabi.
Mali ba ang magmahal
Mali ba ang mahalin ka
Mali ba ang mahalin ka ng sobra-sobra
Kasi kung Oo
Kasalanan ko ba na ikaw ang tinitibok nitong puso ko
Kasalanan ko ba na ganoon kita kamahal
Alam mo sa totoo lang dapat magpasalamat ka pa nga na may nagmamahal sayo ng sobra sobra
May nagmamahal sayo ng tunay
Ng tapat,
Pero anong ginawa mo
Sinayang mo lang lahat
Sinayang mo lang lahat lahat ng pagmamahal ko sayo,
Dahil lang sa isang mali na hindi mo masabi sabi sakin
Kaya tama na
Tama na
Hindi ko na kayang magpakatanga pa sayo
Pagod na pagod na ako
Pagod na pagod na akong lumaban para sayo
Kasi mismong ikaw
ang tumataboy sakin
Kaya huli na to
Huli na to
Hinding hindi na ako magpapaloko sayo
Dahil alam ko na kung anong sagot sa tanong ko
Na hindi naman talaga ako ang may mali
Kundi ikaw!
Ikaw!
Ikaw! Ang may mali.
Kaya sana magpakasaya ka
Dahil malaya ka na.◌⑅⃝●♡⋆♡LOVE♡⋆♡●⑅◌
~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~
♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡
♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥