Bakit siya pa?
Bakit siya pa ang pinili mo
Sa dinami daming tao sa mundo
Bakit siya pa?
Bakit hindi na lang ako?
Ano ba ang nakita mo sa kanya na wala ako
Ano! Sabihin mo!
Para akong isang tanga na nagmamahal,
Nagmamahal sa isang taong hindi naman ako kayang mahalin
Nagmamahal sa isang taong wala namang pake sakin.
Ang sakit, ang sakit sakit!
Ang sakit sa pakiramdam na hindi man lang masuklian
Hindi man lang masuklian kahit kailan ang pagmamahal ko sayo.
Pero tanggap ko namn ehh...
Tanggap ko na
Tanggap ko na, na hanggang magkaibigan lang tayo
Tanggap ko na, na wala talagang tayo
Tanggap ko na, na siya talaga ang gusto mo
Pero sana naman payagan mo ako
Payagan na iparamdam sayo itong feelings ko
Sana marinig mo itong sinisigaw ng puso ko
Sinisigaw nitong puso ko ang pangalan mo
Sinisigaw nitong puso ko kung gaano kita kamahal.
Bakit ba sa dinamidaming tao dito da mundo
Bakit ikaw pa?!
Bakit ikaw pa na alam ko namang masasaktan lang ako
Bakit ikaw pa na alam kong may mahal ng iba
At ako namang si tanga
Na nagpahulog
Na alam ko naman na walang sasalo
Ang sakit lang sa pakiramdam
Na mas minahal mo siya
Ang sakit lang sa pakiramdam
Na mas pinili mo siya
Pero tatanggapin ko na
Na hindi talaga tayo para sa
isa't isa .◌⑅⃝●♡⋆♡LOVE♡⋆♡●⑅◌
~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~
♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡
♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥