○ Solved
----------♪
[ Emi ]
Hindi ko inakala na may ganitong klaseng krimen ang mangyayari mismo sa aming paaralan. Hindi ko rin naisip na pwede rin ito mangyari sa inosenteng tao katulad niya.
Isang araw na akala ko'y magiging normal katulda ng dati, pero, hindi. Nagkamali ako. Hindi ko inakala na isang krimen na ganito ang mangyayari.
Sa ngayon ay hindi kami pinapapasok sa Boy’s CR, kung nasaan natagpuan ang katawan niya. Ang SSG, ginagawa ang lahat para malaman kung sino ang gumawa nito. Sinubukan nilang tawagan ang pulis o kaya naman kung sinong pwedeng makatulong, pero hindi sila sumasagot. Sapagkat sa mga nangyari ngayon, tuloy pa rin ang klase.
“Hindi ko talaga sukat na akalain na may ganitong mangyayari sa Stars Academy.” Sabi ni Shade habang nakasandal sa malapit na pader. Oo, nandito siya, pati narin sina Ayazi at yung si Ayame, nandito. Halos lahat na ng mga estudyante dito alam na ang nangyari, dahil sa bilis ng pagkalat ng balita katulad ng isang wild fire.
Ibinaba na ni Katzuya ang kanyang telepono, pagatapos tawagan ang pulis ng ilang beses, pero hanggang ngayon, hindi parin sila sumasagot. “Looks like we have to take matters in our own hands.” Napansin niya ang mga taong nagtitipun-tipon sa harap ng Boy’s CR. Dahil nga sinabi na niya na wala nang pwedeng pumasok doon, pinalayas niya ang mga ito at pinabalik sa kanilang mga klasrum. “Anong gagawin natin ngayon?”
Napansin ko na nagmumukmok sa isang sulok si Worry. Alam ko na, sa lahat ng tao dito ngayon, pinaka-apektado siya. Nawalan siya ng kapatid. Paano kaya kung ang taong mahal mo ay malalaman mo nalang ay pinatay? Hindi ba malulungkot ka? Pati rin naman ako ay malulungkot.
Nagulat nalang ako ng bigla siyang tumayo siya mula sa kanyang pinag-uupuan niya at umalis. Out of curiousity, sinundan ko siya, hanggang sa makarating kami sa gilid ng hallway. Nagtago ako sa likod ng isang halaman at pinagmasdan siya sa malayo. Akala ko na iiyak lang siya, umalis siya dahil ayaw niyang makita nila na umiiyak ang palaging kinakatukan na bise presidente, pero, akala ko lang naman iyon. Nakita ko lang siya ngumisi, at tumawa na parang nasisiraan na siya ng ulo.
Sa takot, hindi ako umalis mula sa pinagtataguan ko. Nakinig lang ako sakanya humahalagpak. Napansin ko na para siyang sinasabi. Nagulat naman ako sa kanyang sinabi.
“Every thing’s going according to plan.”
Napatakip ako ng bibig para walang lumabas na tunog, agad agad naman akong umalis mula doon at pabalik kina Hell. Walang tigil akong tumakbo hanggang sa hindi na nakayanan ng aking mga paa. Kahit hingal na hingal ako, nakayanan ko parin na makatayo.
Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. According to plan? Anong ibig sabihin niyang plano? Hindi kaya siya ang may pakana nitong nangyari kay Fear? Hindi, parang imposible naman na gawin niya ito sa kanyang sariling kapatid? ‘Di ba? It’s seems… so unreal.
“May problema ka ba?” Napatingala ako nang marinig ko na may tumawag sa’kin, si Ayame. “Mukhang nakakita ka ng multo.”
Umiling ako at inayos ko ang aking sarili lumapit kina Hell. Panay tanong sila kung saan daw ako pumunta, pero hindi ko sila pinansin, kundi ang sinabi kanina ni Worry. Totoo nga ba siya na ang gumawa nun kay Fear? Hindi, parang imposible naman.
BINABASA MO ANG
Stars ☆ Academy
HumorStars Academy's Code for Success To be successful, one must dedicate themselves to the task at hand. No complaints must be heard while doing the necessary in order to finish the task. One must give their all to being successful, and must not give up...