☀︎ author's note & sneak peek

213 14 22
                                    

Author's Note:

YES! OH, YES! THE DREADED AUTHOR'S NOTE HAS COME! XD HUAHUAHUA.

Okay okay, malamang sa malamang ay busy si author sa sarili niyang buhay sa labas ng Wattpad. - w - Y'know, school and some random crap of life (sorry for my word).

Pero! Here's a sneak peek sa susunod na kabanata ng napaka-walangya na kwento ng lola niyo. Shout out nga pala sa aking Computer Teacher at kay Ate Maxine~ :D Hello powz. xD 'Di ko alam mag-jeje. Amfufu.

Nga pala... can you guess who is our featured idol in the next chapter? Siyempre, may hinandang premyo ang inyong author. :3 Silhouette of the character on the side~ Hint, kilalang kilala siya sa buong Stars Academy.

Okay, enough na. Lez start the sneek peek. :D

P.S. I'm contemplating whether I should put up a word limit. Does 3k words sound flattering?

----------☆

"EH?! LAHAT NG IYAN KAILANGAN NAMIN IPAMIGAY?!"

Tinaasan lang ni Fleija ang dalawang kambal, na nakatingin ngayon sa mala-bundok na mga papel na nakalatag sa kanilang harapan. "Bakit, may problema ba, Haru at Kiaske?"

Sasagot na sana si Kiaske, ngunit, alam ng kanyang kakambal na baka may sabihing masama ang kanyang kapatid. Tinakpan na lamang niya ang kanyang bibig ay ngumiti sa dalagang kaharap nila ngayon. "Ah, wala Flei! Sige, ipapamigay na namin ito," agad agad kinuha ng nasabing binata ang mga nakatambak na mga papel sa lamesa at binigay ang kalahati nito sa kanyang kapatid na babae. "Kita nalang tayo pagatapos ng recess!" Hinila na niya si Kiaske palabas ng opisina, para narin maibigay ang mga binigay sakanila ng kanilang kaklase.

Ang dalaga naman, sinubukan makawala sa hawak ng kanyang kakambal, pero huli na ang lahat dahil nakalabas na sila mula sa kwartong iyon, iniiwan si Fleija mag-isang nakaupo sa karapat-dapat niyang pwesto sa opisina. Naglabas siya ng isang buntog hininga bago ipinagpatuloy ang kanyang trabaho.

Habang pinagpapatuloy niya ang kanyang gawain, hindi niya mapigilan na isipin ang dalawang kambal na iyon. Paniguradong, minsan ay magugulo sila, ngunit, talagang pag dating sa larangan ng musika ay binibigay nila ang lahat ng kaya nila, hindi lang iyon, matulungin sila at paniguradong matulungin sila (pero, hindi ko iyon masasabi kay Kiaske). At tsaka...

Napatigil siya sa pagsusulat, namumula ang kanyang mukha. No, no, no! Ano bang pinag-iisip ko?! Sa kanyang pinagsusulatan ay napansin niya na nagkamali pala siya, kaya, agad agad niya itong binura. Hindi siya gwapo! Hindi siya gwapo! Ano bang pinag-iisip ko?! Binura niya ito ng binura, hanggang sa hindi na niya makita ang sinulat niya kanina. Itinuloy niya ito ulit at pilit niyang kalimutan ang iniisip niya kanina.

Pero... he is cute... Namula ulit siya, habang nagsusulat ulit ng kung ano ano sa kanyang papel.

Sa likod naman nito, nakabakat ang mga salitang: 'uraH uoy evoL'

Habang si Fleija - pati narin ang mga miyembro ng Supreme Student Goverment - ay may kani-kanilang sariling gawain, pati rin ang mga fourth years, naghahanda para sa kanilang supresa sa darating na araw. Lahat ay may kani-kanila ring mga gawain - nagpapatugtog ng gitara, sumasayaw, kumakanta, at iba pa.

Isa narin doon ang pinakamahal nating si Azure, na ngayon ay nakadungaw sa labas ng bintana habang nagpapahinga sila sa kanilang praktis sa kanilang gagawin. Ang pinaka-lider ng kanilang grupo ay nakikipag-usap sa punong guro ng eskwelahan tungkol sa mga aktibidad nila. Nandyan lang siya, pinapanood ang bawat galaw ng mga estudyante, hinihintay ang mga sasabihin ng kanilang lider upang makalabas narin siya at tikman ang malinamnam na mga pagkain na nakahanda sa kabilang pasilidad.

"Buti pa sila, kumakain na," sabi niya sa kanyang sarili nang makakita siya ng isang pamiliar na lalaki na nilalasap ang bawat kagat ng kanyang tsokolate. Dahil rito, nagsimula na maglaway ang dalaga sa gutom, pati narin sa selos. "Samantalang ako, nandito parin nakakulong at nagp-praktis! Nasaan ang hustisya?!" Sa sobrang lakas ng pag sigaw niya, halos lahat ng tao sa kanilang kwarto ay napatingin sa kanya. Tinapkan niya ang kanyang bibig at humingi ng paumanhin sakanilang lahat, bago siya tumingin uli sa bintana para ipagpatuloy ang pagpapanood sa mga taong nagmumukhang mga langgam sa kanyang paningin, dahil sa taas ng kanilang kwarto kung nasaan sila ngayon.

Tinignan niya halos ang lahat ng tao, at halos wala siyang makitang bagay na hindi man lang makakuha ng kanyang atensyon. Inikot niya muli ang kanyang paningin sa labas, para lang makakita ng isang bagay na bihira lang makita sa kanyang buhay.

Dalawan lalaki. Magkahalikan. Magkahalikan.

Isang sigaw ang nagmula sa kanya muli, kinukuha ang atensyon ng lahat. Pero, wala siyang pake. Hindi niya kayang ikimkim ang kilig na kanyang nararamdaman ngayon! Ngayon lang siya nakakita ng ganitong bagay sa buong buhay niya, parang lahat ng kanyang pantasya ay nagkatotoo, mamatay narin siya ng masaya sa wakas!

Doon nalang rin niya napansin na may tumulong dugo mula sa kanyang ilong. Lahat ng mga tao ay nagulat sa kanyang nakita. Para bang gumaan ang kanyang ulo, nahihilo, para bang wala ng ganang gumalaw, bago siya mahimatay.

Bago pa tuluyang mawalan ng malay, may sinabi siya, na hindi narinig ng mga taong nakapalibot sakanya.

"I'm glad I'm a Yaoi Fan..." at isinara na niya ang kanyang mga mata.

Kakarinig lang ni Katzuya ang balita tungkol sa nahimatay na estudyante mula sa klasrum ng ma fourth years, at pinakiusapan siya ng kanilang guro at ang gumawa ng SSG na magbantay ng isang klasrum, dahil ang gurong nagtuturo doon pati narin ang nars ng ekswelahan na ito ay inaalagaan ngayon ang nahimatay na estudyante. Problemado siya ngayon, dahil marami pa siyang kailangan gawin, ngunit, may pinapagawa parin siya. Hindi lang iyon, nakatanggap pa siya ng sulat mula sa isa sa mga katabing eskwelahan at ang kanilang tinuturin karibal. Hanggang ngayon, hindi parin niya maalis ang kanyan isip doon.

"Napaka naman nila, bigla bigla nalang magsisimula ng contest," nayayamot na sabi ni Katzuya. "Bahala na nga." Naramdaman niyang parang may gumagalaw sa kanyang bulsa, dahilan para ilabas ang kanyang telepono na tumutunog at umiilaw. Pinindot niya ang 'accept' at inilagay ito sa kanyang tainga. Isang malalim naman na boses ang kanyang narinig mula sa kabilang linya, na dahilan para siya'y makilabutan.

"Kamusta na, Kat~zu~ya~? Masaya ka ba sa iyong buhay diyan?"

Stars ☆ AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon