○ Deceieve
----------♪
Before flag ceremony
[ Kaeri ]
“MARSHALL! COME BACK HERE!”
“Hahaha! Bleeeeh~! Huliin mo muna ako!”
Sigh… Ang ingay talaga nina Hell at Marshall, kahit kalian. Feeling ko sasabog na mga tenga ko sa sobrang ingay nila. Halos araw araw naghahabulan, nagsisigawan, at nagtatapunan ng kung ano anong mga bagay. Three times a day ata nila ito ginagawa.
Teka nga, ano bang ginawa ni Marshall? Nakita niya kasing nagpupulbos sina Hell at si Emi kaya kumuha siya ng kaunti at itinapon sakanila. Loko niya rin diba? Kahit anon gang gawin namin, hindi parin sila tumitigil. Eto naman ang aming valedictoian, walang ginagawa. May sariling mundo.Halos lahat ata kami dito may sariling mundo eh.
Napatakip ako ng tenga at tinignan si Fear, na nakatingin sa kanyang notebook at tahimik na nagsusulat. Ewan ko kung anong sinusulat niya pero siguro gumagawa siya ng lyrics para sa isang kanta. Buti pa siya, hindi siya naaapekto sa ingay na ginagawa ng dalawa. I salute you, Fear!
Bang! Clatter! Clash!
“MARSHALL!!!”
Ano ba ‘yan… Hindi ba sila titigil? Kundi, ako mismo ang magpapatigil sakanila. Kung kaya ko nga lang…
Nagulat nalang ako ng may isang sapatos na palipad sa direksyon ko. Agad akong umilag upang hindi matamaan ng sapatos, pero, si Fear naman ang natamaan. Pero wala parin pake kung natamaan siya ng sapatos, tuloy parin sa pagsulat. Wow, ganyan ba siya katutok sa pagsulat ng mga liriko?
“Kaeri! Ilag!” Narinig ko yung boses ni Anima kaya napatingin ako sa kaliwa ko ng ‘di oras, at nakita ko na pala na may libro na papunta sa direksyon naming. Katulad ng kanina, nailagan ko ito para hindi matamaan, at si Fear naman ulit ang natamaan, pero wala pa rin siyang pakealam
Wow, as in. Wow. Hindi ko talaga alam na ganito ka-dedicated sa pag-compose si Fear. Namanhid na siguro siya tuwing nagco-compose.
“MARSHALL! YOU JUST WAIT UNTIL I GET MY HANDS ON YOU!” Narinig kong sigaw ni Hell, pero ito naman si Marshall, nag-belat lang siya at patuloy sa pagtakbo. ‘Yong hawak naman niyang chalk duster itinapon niya kay Marshall pero… natamaan lang ulit si Fear. Na-K.O. pa nga siya eh.
Hala lagot.
“Sht.” Napamura si Hell at lumapit sa’ming pwesto. “Fear, hindi ko sinasadyangg gawin ‘yon!”
“’Yan kasi~ Kung ano anong itinatapon. Ahahaha!” Eto naman si kuyang mukhang bampira (Marshall), humagalpak lang siya. Mas lalo lang nainis si Hell at akmang babatukan siya kung hindi lang kay Anima na pumigil sakanya. “Let go of me, Anima!”
Para bang may tumulong pawis mula sa noo ko habang pinapanood silang mag-away na tatlo. “Juthko, kayong tatlo, hindi ba kayo titigil? Sige kayo, isusumbong ko kayo kay Ate Worry.” Sabi ko. Syempre, joke lang ‘yon. Tinatakot ko lang naman sila, dahil alam nila kung gaano ka-brutal si Vice Pres. Hihihi.
BINABASA MO ANG
Stars ☆ Academy
HumorStars Academy's Code for Success To be successful, one must dedicate themselves to the task at hand. No complaints must be heard while doing the necessary in order to finish the task. One must give their all to being successful, and must not give up...