Chapter 11: feelings returned

274 2 0
                                    

Christopher's POV:

Bumalik na kami ni Khyla sa restaurant/room namin para kunin yung mga bags namin..

Pagbalik namin dun, kinuha na agad namin yung bag namin.

"Uhmm.. Christopher di mo na ko kailangan ihatid kasi....."

"Ihahatid na kita. Mag gagabi na rin." sabi ko sa kanya ng walang emosyon..

"Tsaka baka pagalitan pa ko ng pinsan mo pag di ko to ginawa." bulong ko sa sarili ko

"Anu yun??" pagtatanong niya. narinig niya pala yun.

"Sabi ko tara na"

Nice ang galing kong pagtakpan yun sinabi ko.

"pre ingat kayo sa daan. ang agang magdilim oh." tinuro ni Cyril yung mga ulap..

"oo nga..." tumingin ako sa kanya "sige salamat" nag hand shake kami. yung pang lalaki.

"Khyla ingat ka jan ah. wag kang pumayag sumama sa kung saan." bulong niya kay Khyla.

tumawa lang ito sa kanya

binatukan ko nga.

"aray!" sigaw niya. buti nga sayo ^^,

~~

umalis na kami dun. baka kung ano pa sabihin nun kay Khyla at maniwala naman to.

"uhh.. walang jeep..." narinig kong bulong niya.

"tara lakad na lang tayo. kaya mo pa ba?" tanong ko sa kanya.

"uhmm.. sige. malapit lang naman samin dito." ngumiti siya ng bahagya at nagsimula ng maglakad.

ngayon sabay na kaming naglalakad. di ko pa pala nasabi sa kanya na dun din ako nakatira. dun sa luma naming bahay nung bata pa ko. sabihin ko na kaya?

"uhm... bakit mo pala ako hinatid.?" bigla niyang natanong.

"wala naman. ayoko lang kasi sa bahay... wala akong magawa" tumingin ako sa gilid ko.

"ah.. ok.." sinisipa niya yung paper bag na hawak niya habang naglalakad. parang bata talaga Siyang gumalaw... Di pa rin siya nagbabago.

(Loud Thunder Clap)

"Aaaaahhhh!!!!" Napabitaw siya sa hawak niyang paper bag at napahawak sa braso ko. Tinatago niya muka niya sa braso ko.

Nakahawak lang ako ngayon sa buhok niya. pinapatahan ko siya. pero biglang.....

"Ah shit! silong tayo!" napasabi ko ng biglang bumuhos ang malakas na ulan.

Kinuha ko na yung paper bag na nahulog niya at inalalayan siya hanggang makasilong kami sa isang karinderya malapit. Umupo kami malapit sa labas ng karinderya dahil nakakahiya kung papasok pa kami ng basang basa.

Napansin kong nakatungo siya. "sorry ah. takot kasi talaga ako pag....." pinutol ko yung sasabihin niya.

"Ok lang yun. kain muna tayo dito." sabi ko sa kanya sabay tawag dun sa babae.

"Oh ikaw pala! tagal mo na rin di nakakapunta dito. sino yang kasama mo?" Tanong ni ate Gretchen.

Tumingin siya kay Khyla ng nakangiti. ngumiti rin Si Khyla sa kanya.

"Kaibigan ko po. naabutan lang po kasi kami ng ulan." Sagot ko.

"Ah. Osya. anung order mo hija?" tanong ni ate Gretchen

"Uhmmmm..." nakatingin siya sa nakasabit na menu sa counter "isang order ng kaldereta na lang po" ngumiti nanaman siya.

"Ah sige. ikaw Chie?" tanong niya sakin.

A Chance In Love (a story indifferent)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon