Chapter 17: hard to take in

210 3 0
                                    

Chapter 17: hard to take in

Maki's POV

"Bhest bakit inatake siya? bakit siya nagkaganyan?" sabi ni April na halatang pinipigilan ang pag iyak.

Andito kami ngayon sa E.R.

Sinugod siya bigla sa ospital dahil nga nahimatay siya at naging abnormal heartbeat niya.

"Nagkaroon kasi siya ng trauma mula pa nung umalis si Christopher noon. kasunod ng pangyayaring yun ay namatay rin si tito, ang papa niya. hindi niya na kinaya kaya ganyan," pag eexplain ko sa kanya.

"Teka asan si Christopher?" biglang sumulpot ang mama ni April.

"Akala ko po ba kasama niyo?" nagtatakang tanong ni April

"Nauna siyang pumunta sakin dito kanina ah."

O_O! nagkatinginan kaming tatlo.

Nilabas namin ang cellphone namin.

"Ako na cocontact sa anak ko." sabi ni tita.

Wala na kaming nagawa kundi antayin na lang.

"Ayaw niya sagutin!" pagpapanic ni tita.

Bigla namang bumukas ang pinto ng ER

O_O!

"ANAK KO!" -tita

Nanlaki lang mga mata namin sa nakita namin.

Si Christopher... nakahiga.. walang malay na dinadala sa emergency room na duguan sa ulo.

Bigla naming nilapitan ang doktor na umasikaso sa kanya.

"Dok ano pong nangyare sa kanya?" pagtatanong ng mama ni April

"May nakakita raw po sa kanya na nakahiga na lang sa gitna ng daan. nagmabuting loob ito na dalhin dito." pagpapaliwanag ng doktor.

"Kasama niyo po ba siya?" sulpot ni April sa usapan

"Ah oo." hinahanap ng doktor sa tingin yung nagdala kay Christopher. "im sorry pero mukhang umalis na... uhmm excuse me." at umalis na ang doktor para asikasuhin si Christopher.

Lumabas ako at nagbabasakaling nandoon pa siya.

Sa di kalayuan naaninag ko ang likod ng isang babaeng naglalakad palayo.

Tumakbo ako palapit sa kanya

"Excuse me po" hinawakan ko siya sa braso ng makalapit ako.

O_O nagulat ako ng makita ko kung sino siya. kung sino ang babaeng nasa harapan ko ngayon.

Siya yung sinabing fiance daw ni Christopher

Ngumiti siya sakin "I'm sorry if I'm the reason for all of this, I'm sorry if I caused every one trouble."

Lumapad ang ngiti niya. "but I can assure you that everything will turn out great for the two of them."

Pagtapos niya sabihin yun ay tumalikod na siya. pero di pa siya nakakalayo ay lumingon siya.

Pagkalingon niya nagulat ako nang nakita ko mukha niya. halos mamula na dahil halatang pinipigilan ang pag iyak.

"And dont worry, the wedding is off.. none of those were real. I can see it." nanlisik ang mata niya at ngumiti.

"Wait!" tumakbo ako palapit sa kanya. "who are you? and.... what's you're name?"

Mahirap na... baka di niya ko maintindihan pag tagalog.. mukhang sosyalin kasi to eh..

"Desiree.... Ysabella Desiree Tenaia. Your family's Guardian Angel." sabi niya sabay kindat.

Pagtapos nun umalis na siya ng tuluyan. naiwan ako ditong nakatayo. tulala. tinitignan lang ang palayo niyang likod.

A Chance In Love (a story indifferent)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon