Chapter 5: Where has the love gone

354 5 0
                                    

Chapter 5:

Khyla's POV:

"yun! dali yun kunin mo! yung may necklace!" turo ko sa bear na may necklace na heart yung design.

"sige wait lang. eto na! Eto na!" kinukuha na ng crane

naglalaro kami ngayon sa isang arcade sa mall. Dito kami sa may crane kasi nakita ko yung cute na bear na may necklace na heart kaya kinukuha niya na para sakin.

ngayon ang birthday ng taong mahal ko na si Rafael. Grabe ang celebration namin. Kumain kami kanina sa 5 star restaurant ng tita niya. tapos ngayon dito naman sa mall.

"ay di siya nakuha" sumimangot si Rafael

"ay. Sige wag na lang" sabi ko sabay talikod pero hinawakan niya kamay ko.

"teka lang, itong token" pinakita niya ang isa pa niyang token "pag nakuha ko yang bear gamit nitong token, manonood tayo ng movie mamayang gabi sa bahay"

"pano pag hindi?" nakaCross arms ako

"pag hindi, break na tayo"

nagulat naman ako sa sinabi niya. nag iba expression ng mukha ko. Pano niya nasabi yon?

"h-ha? w-wag na lang." sagot ko sa kanya

"may tiwala ka ba sakin?" tanong niya

"oo pero..."

"may tiwala ka ba sakin?" Paguulit niya sa tanong niya.

huminga ako ng malalim "oo. I trust you."

"that's all I need to hear" nag smile siya at naglaro na ulit sa crane.

natatakot ako baka di niya makuha. tinitignan ko lang yung crane habang bumababa.

natatakot talaga ako. Ayokong......

(O.O) NAKUHA NIYA! nakuha niya yung bear na gusto ko!

Kyaaaaah! Nakahinga na ko ng maluwag

"sabi ko sayo makukuha ko yan eh" sagot niya nang may malapad na ngiti sa muka.

sa sobrang tuwa ko nayakap ko siya.

kumalas siya sa yakap at kinuha yung bear na may necklace.

"ito na oh" bigay niya sakin.

"ganito na lang, sayo yung isang parte ng necklace at akin yung isang parte at yung bear" sabay bigay ko sa kanya nung necklace.

couple's necklace kasi siya. yung tag isang piece ng heart. akin yung may boy na carved. kanya naman yung may girl.

dahil di kasya sa kanya yung necklace na yun. tinali niya na lang ito sa bag niya.

"para ikaw ang magbabantay sa bag ko" ngumiti siya ng malapad. sinapak ko naman yung braso niya. Pero mahina lang naman.

pagtapos nun, umalis na kami.

"di ka talaga makakapunta sa laban namin sa basketball? Championship game na namin to at kailangan ko yung lucky charm ko" nag pout siya.

"sorry. kailangan ni mama ng katulong sa bahay eh. Nagaayos kasi kami."

"ah okay. sige sunduin na lang kita mamaya pagtapos " Lumingon siya sa bintana ng jeep. "sige Khyla dito na ko" ngumiti siya at hinalikan ako sa pisngi.

"bye! goodluck!"

pagtapos nun bumaba na siya.

dumiretso naman ako sa bahay.

nagbihis ako at kinuha regalo ko sa kanya. Surprise kasi to sa kanya. Ayaw niya kasi na nagbibigay ako ng regalo sa kanya, kaya surprise ko na lang to sa kanya.

A Chance In Love (a story indifferent)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon