CHAPTER 6: moving on

327 3 0
                                    

CHAPTER 6: moving on

Khyla's POV:

"Naku! kung makita ko lang yun. pipisatin ko siya. Ganito oh!"  sabi ni Liza habang pinisa yung burger niya

andito kaming tatlo sa bahay ngayon. Nalaman nila yung nangyari kahapon sa park ng school. Nandun pala si Cyril nung mangyari yun. Kaya ayun, nakwento ata sa kanila ng buo. Nahahalata talaga yung galit nila eh.

"asan pala si tita?" tanong ni Angel

"pumunta sa bahay ng pinsan ko. Inasikaso daw yung negosyo nila dun." sagot ko

"alam niya na ba na..." -Liza

"oo sinabi ko na sa kanya kahapon"

"naku! kung yan makita ko. Lagot sakin yan. sisiguraduhin kong di na siya makakalakad" -Liza

"oo nga. Itatapon namin siya sa ilog!" -Angel

"isako muna natin para di na makahinga talaga!" -Liza

"wag mo kalimutan yung lubid ha!" -Angel

"oo! paalala mo" -Liza

ayan nanaman yung mga muka nila. parang papatay talaga ng tao. Pero alam kong galit lang naman din sila sa ginawa niya eh.

inaamin ko nasasaktan pa rin ako sa ginawa niya. Ang t*nga ko talaga. nagyare nanaman to sakin. Pero ngayon mas masakit. Kasi ngayon may isip na ko eh. Nangyare nanaman...

"Khyla! Khyla! Wag mo na isipin yun!" -Angel

"Oo nga. Tahimik mo eh. Iniisip mo yan noh?"

I smiled bitterly. "Hindi. May naalala lang ako nung bata pa ko."

Hinagod ni Angel ang likod ko "yung sinabi mo samin na puppy love mo na iniwan ka lang bigla bigla?"

"Huy Angel! Ano ba!" Pagsuway ni Liza.

"Hindi ok lang. Yun tanggap ko na eh... Yung ngayon lang talaga ang.."

"hayy nako. Ako na bahala diyan"
nilabas ni Liza yung cellphone niya at may tinawagan.

"hello!" anlakas ng boses na bungad ni Liza ah -_-

"Siga si Liza noh? Haha" bulong sakin ni Angel. Tumango na lang ako.

~bla bla bla~

"pwede ka mamaya? Sa mall?"

~bla bla bla bla bla~

wala ako marinig sa kabilang linya kundi bla bla bla. Tsaka ayoko rin namang makinig. Bad yun.

"alam mo na kung bakit. sige salamat!" binaba na ni Liza yung cellphone

"ok na! magbihis ka na Khyla aalis tayo" lapad ng ngiti nito.

pag di ko nakuha break na tayo

siguro nung time na yun, inaamin niya yun. dinaan niya lang sa ganun na paraan. Siguro din di niya sinasadya na makuha talaga yung bear. Siguro yun na yung sign na gusto niya nang bumitaw.

Kelan pa? Kelan pa kaya siya napagod sakin? Kelan niya pa binalak na bumitaw?

Ang daya niya. Tch. Ang daya niya talaga. Ako nga kahit anong mangyari di ko naisip na gawin yun. Kahit gaano kabigat pinagaawayan namin, wala niisang pagkakataon na naisip kong makipag break sa kanya.

Bakit parang madali lang sa kanya yung ginawa niya? Tsaka kelan pa siya nagkaroon ng bago? Siguro mahal niya yun. Nagenjoy siyang halikan eh. Halata naman.

Di ko napansin na ako na lang pala ang nagmamahal sa aming dalawa. Ha. Nakaawa ka Khyla. Pano mo nagawa yun? Nagpakatanga ka.

*Booogsh!*

A Chance In Love (a story indifferent)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon