"Mom's Consent" - Chapter 3 ending

243 4 0
                                    

"Mom's Consent" - Chapter 3 ending

Khyla's POV

"ma si Rafael nga po pala"

nakaupo kami ngayon sa living room ng bahay namin.

kasama ko si Rafael na umuwi. hilahin ka daw ba naman hanggang sa pag uwi.

"ah. Siya ba yung......" turo ni mama kay Rafael

"...opo ma siya yun" pag tuloy ko sa sinabi niya

"magandang gabi po" nag-bow si Rafael to show respect sa mama ko.

tinignan ni mama si Rafael mula ulo hanggang paa. Tumayo si mama at inikutan si Rafael ng tingin

"mukang presentable naman siya" umiikot siya

"ma.."

"mukang may pinag-aralan" umiikot parin

"ma..."

"mukang mayaman siya" umiikot parin siya kay Rafael

umupo uli siya sa upuan sa tapat ni Rafael

"kaya mo bang alagaan anak ko?"

"opo tita" sagot agad ni Rafael

"kaya mo siya buhayin?" lumapit muka ni mama kay Rafael

"opo tita"

"kaya mo siya bigyan ng magandang kinabukasan?" lumapit uli

"opo tita. magiging masaya po siya sakin" masayang sagot ni Rafael

"mapapanagutan mo ba kung-"

"ma! tama na nga yan!" sigaw ko. nakakahiya na kay Rafael. (=.=)

"naniniguro lang anak. Alam mo naman na ako iniwan ng daddy mo na magdesisyon sa ganitong bagay dahil di siya marunong"

"pero ma"

"oo na. Okay naman siya. Payag na ako. Sasabihin ko na sa daddy mo bukas na may boyfriend ka na"

"talaga po? payag na kayo?" sabi ni Rafael habang hawak magkabilang balikat ni mama.

Di pa naman boyfriend eh..

"naku baka gusto mong bawiin ko ang sinabi ko?" panakot ni mama

"hindi po hindi po. sorry" umupo na si Rafael.

at dun na nagtapos ang pagpayag ng mama ko.. galing no? daming tanong (-.-")

A Chance In Love (a story indifferent)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon