Ano ba TAYO?
Meron bang TAYO?
Meron bang matatawag na TAYO?
Ano ba itong nararamdaman ko?Iyan ang mga bagay na tinatanong ko sa aking sarili
Tinatanong ko sa aking sarili tuwing tayo’y nag uusap at mag kasama
Kaya tila bang damdamin ko’y nahihirapan at naguguluhan
Nahihirapan at naguguluhan sa ating relasyonMinsan di ko maintindihan ang aking nararamdaman
Pagkat wala namang karapatan
Na ako ay Masaktan
Dahil hindi TAYO at walang TAYOMinsan hindi ko alam kung crush lang ba kita o mahal na
Madalas kong naaalala ang ating unang pag uusap, unang pag kikita at una mong pag papatawa
Nung una palang kitang nakita puso ko’y nahumaling
Nahumaling saiyoSana pala nung gabi bago ka umalis
Nung gabi bago ka umalis ay sinabi ko na
Sinabi ko na saiyo ang aking mga gustong sabihin
Mga gustong sabihin na matagal itatagoSa tuwing ako’y may sakit
Ika’y nandiyan
Kaya tila ang aking loob ay unti-unti nang nahulog sayoHindi ko makakalimutan ang huling gabi
Ang huling gabi na tayo ay nag kasama
Mga huling gabi na ako’y iyong napasaya
At mga bilin mo na aking tutuparinNgayon isip ko’y puno ng SANA
Mga Sana na alam kong hindi matutupad
Mga sana na imposible mangyari
Mga sana na hinding hindi mangyayari dahil ikaw ay may ibang mahal
BINABASA MO ANG
Spoken Word at Tula para sa mga Taong Iniwan at Binaliwala
PoetryHi guys! Ang librong ito ay inaalay ko para sa mga taong umasa, pinaasa, iniwan, at ayaw tigilan ng kanilang ex