Saya't lungkot

57 0 0
                                    

“Mahal Kita”
Yan ang unang tumatak saaking isipan
Tumatak saaking isipan simula nung naging tayo
Pero teka...
Bakit unti unti ka nang nanlalamig
Nanlalamig sa ating relasyon
Relasyon na matagal nating iningatan
Pero Bakit?
Bakit Mahal?
Bakit ka bumitaw?
Bakit naman ganito mahal?
Bakit mo naman ako iniwan...
Iniwan ng walang malinaw na dahilan;
Iniwan ng hindi man lang nag sasabi
Mahal?
Dahil ba sakaniya kaya mo ako iniwan?
Mahal?
Ganun nalang ba kadaling kalimutan
Kalimutan ang masasayang ala-ala
Ginawa nating ala-ala ng ilang araw,linggo, taon, at buwan
Mahal?
Sa tuwing ika’y aking nakikita naaalala ko
Naaalala ko ang mga sakit at saya na ating nabuo
Mahal,
Sobrang sakit saakin sa tuwing ika’y nakikita
Nakikita na masaya sa piling ng iba
Ngunit wala akong magawa kung hindi tanggapin
Tanggapin na wala ng tayo
Na di na maibabalik pa ang dating tayo
Dahil...
Dahil ang tanga ko na siguro kung aasa pa akong maibabalik pa natin ang dating tayo

Spoken Word at Tula para sa mga Taong Iniwan at BinaliwalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon