Isa ito sa aking kinaaadikan
Oo puro kathang isip ang laman nito
Pero masasabi ko na dito mo matututunan ang mga bagay na hinding-hindi mo matututunan sa eskwela
Dahil dito ko natutunan kung paano pahalagahan ang bawat bagay na aking ginagawa
Bawat bagay na aking natatanggap
At higit sa lahat kung ano ang meron ako
Dito ko naranasan kung paano umibig
Paano umibig sa mga karakter na imposibleng maging totoo
Mahirap man umibig sakanila ay wala kaming magawa
Marami ang nag sasabi na dahil sa wattpad ay tumataas ang standards naming mga babae sa mga kalalakihan
Ngunit hindi namin maiiwasan iyon, pero minsan sapat na mag mahal ng aming kapwa wattpader
Ahh nga pala may naaalala ako...
May nagsabi saakin na puro kalibugan lang daw ang mga matututunan at mababasa rito
Pero bago mo sabihin iyan nakapagbasa ka na ba ng mga story sa "Wattpad"?
Hindi naman diba?
Kaya siguraduhin mo na bago mo sabihin ang mga iyan saakin ay dapat nakabasa ka na ng Wattpad stories
Ahh ganito nalang... may mga ipapakilala ako saiyong ilang manunulat at mga gawa nila para naman hindi mo masabi saakin na puro kamanyakan ang natututunan ko rito.
Ang una ay ang pinakahambog na manunulat sa lahat, siya ang nagsulat ng "He's Into Her" siya si Maxinejiji
Dahil sakaniya nalaman ko na lima pala ang watawat ng bansang Korea
LIMA??? Oo lima, ang isa ay nunong di pa naghihiwalay ang North at South Korea, ang dalawa naman ay nuong nahati sa dalawa ang Korea, ang pang-apat ay nuong ginamit ng Korea ang watawat ng Japan, ang huli ay ang Colony flag nito
Ngayon dumako naman tayo sa pinaka paborito kong manunulat si Knight In Black
Siya ang nagsulat tungkol sa isang tagong paaralan na kung saan legal ang patayan
Ito ang Hell University,
Dito ko nalaman na hindi pala lahat ng kaibigan mo ay kaibigan din ang turing sa'yo
Ahhh meron pa palang isa, pinamagatan niya itong "Trapped"
Dito ko nalaman na mas maganda pa palang uminom kesa mag mahal,
Dahil pag-uminom ka ilang oras lang ay mawawala na ang epekto nito di katulad ng pag mamahal kailangan mo masaktan ng todo para lang makalimutan mo ang taong iyon
Minsan nga ay naiisip ko na ako si Zein Shion ang isa sa mga karakter sa Hell University na aking kinamamanghaan dahil sa taglay nitong hindi pang karaniwan kaya niya napaibig si Ace Craige o mas kilala bilang Supremo na bawal umibig sa kahit sino man
Minsan nga din ay iniisip ko ang aking sarili bilang si Binibining Carmella Isabella Montecarlos na makakahanap ng maginoong gaya nalamang ni Ginoong Juanito Alfonso na mala Maria-Clara ang pag-iibigan nuong taong 1892, makasaysayan diba?
Pero parang mali ata ako ng naimagine dahil tila itong nag mistulang "The Ten Year Gap ni Sic Santos" at "Possessive Series ni Cecelib"
The Ten Year Gap dahil kahit di man eksaktong sampung taon ang agwat ng idad namin ay iniwan din ako ng taong mahal ko, 'di man siya namatay kagaya ni Paolo Johann Buenavista ay iniwanan niya ako ng mga pangakong kahit kailan ay di na niya matutupad ang mga iyon sa akin
At Possessive Series naman dahil nag mimistulang naka sentro ang aking buhay sa mga kaibigan ko na may taglay na kalawakan ng pag-iisip
Ngayon sana matauhan ka sa iyong mga sinabi
Dahil maaaring isang salita lamang ang "Wattpad"
Pero ito ang dahilan kung bakit kami gumagaling sa wikang Ingles
Dahil sa "Wattpad" mas sumaya kami
Dahil sa "Wattpad" mas nadadagdagan ang aming kaalaman
Dahil ang WATTPAD ang paraan namin para makatakas sa mundong puno ng problemaPS: WAG LANG PO ARAW-ARAWIN ANG PAG INOM HA... MASAMA KASI SA KATAWAN PERO MUCH BETTER KUNG RED WINE ANG IINUMIN PARA GOOD FOR THE HEART... AT SORRY DAHIL NGAYON LANG AKO NAKAPAG UPDATE DAHIL MARAMI AKONG GINAGAWA SA SCHOOL... NAWA'Y NAGUSTUHAN NINYO ANG SPOKEN POETRY NA ITO...
BINABASA MO ANG
Spoken Word at Tula para sa mga Taong Iniwan at Binaliwala
PoetryHi guys! Ang librong ito ay inaalay ko para sa mga taong umasa, pinaasa, iniwan, at ayaw tigilan ng kanilang ex