“Mahal kita”
Yan ang una’t huling aking narinig mula saiyo
Una’t huling salita na iyong binanggit
Salita na kahit kanino aking nadidinigKadalasan hindi kapanipaniwala
Sabi ng iba malaking kasinungalingan ang salitang “Mahal Kita”
Ngunit ng ika’y aking naging kasintahan
Ako’y hindi naniwala sa kanilang sinabiNgunit ako pala’y nag kamali
Nag kamali dahil totoo pala ang kanilang sinabi
Kanilang sinabi na ang salitang “Mahal kita” ay malaking kasinungalingan
Malaking kasinungalingan dahil ika’y nagkaroon ng ibang mahal“Mahal kita”
Yan ulit ang aking narinig
Aking narinig mula saiyo
Mula saiyo ng ika’y muling bumabalik saaking buhayPero parang may mali
Ayyy hindi lang pala "parang" dahil talaga palang may mali
Talaga palang may mali kung ika’y muling papabalikan sa aking buhay
Sa aking buhay na iyong ginulo
BINABASA MO ANG
Spoken Word at Tula para sa mga Taong Iniwan at Binaliwala
PoetryHi guys! Ang librong ito ay inaalay ko para sa mga taong umasa, pinaasa, iniwan, at ayaw tigilan ng kanilang ex