3

5 0 0
                                    

"HELLO PARIS!"

Malakas-lakas kong sinabi pagkatapak ko sa labas ng eroplano namin. Nag-inhale pa ako nang sobrang lalim at nakaspread pa ang dalawang braso ko sa hangin na parang niyayakap ito.

Nakarinig naman ako ng mahinang tawa mula kay tita Stella. "Tara na sa apartment para makapagpahinga ka na rin at makainom ng gamot."

"Maamoy ko lang itong hangin ng Paris ay nawala na rin ang pagkahilo ko." Sabi ko sa kanya. Hindi kasi ako sanay sumakay sa mga kotse at bus dahil ang mahiluhin kong tao. Sa eroplano pa kaya na oras ang byahe diba?

Pagkasabi ko noon ay pumantig na naman ang ulo ko. Minimigraine na naman ako.

"Baliw," natatawang sabi ni tita at nagsimula na syang maglakad. Sumimangot muna ako sa kanya at humabol sa paglalakad.

Nang makarating kami sa labas ng airport, andoon na rin ang sundo raw namin - iyong katrabaho nya or more like manliligaw nya. Tingin pa lang nya kay tita eh halata ko namang may gusto sya. Dagdag mo pa iyong flowers na inabot nya sa amin. Ang hindi ko lang alam ay kung bakit hindi pa sya sinasagot. Chichikahin ko na lang sya mamaya.

Buong byahe ay nakatingin lang ako sa may bintana. Papalubog na ang araw pero marami pa rin ang mga taong nasa labas. May mga malalaki ring building pero marami ring puno. Kitang-kita rin ang nagkukulay orange-yellow na sky at nagrereflect ito sa mga bintana ng mga buildings. All i can say is WOW.

After almost an hour, nakarating na kami sa condo nila tita. Noong una ay di ko pa aakalain na apartment lang iyon dahil ang bongga tingnan. Mukha syang five star hotel!

Matapos kaming ibaba sa entrance, nagpaalam na rin iyong manlilig-- este katrabaho ni tita. Balak pa nga nya sanang tulungan kami sa bagahe pero pinauwi na sya. Kaya eto ngayon, ang sakit ng kamay kong binubuhat ang mga bags ko. Sorna wala kasi kaming maayos na maleta sa bahay. Pwede pa naman iyong iba pero sinabi ni mama na huwag na raw gamitin dahil ang panget na. Nakakaloka pa dahil sira raw ang elevator dito at nasa 5th floor sila tita.

*riiing*

Nasa 4th floor na kami ngayon. Binaba ko muna ang mga dala ko at kinuha ang phone. Hindi pala sa akin galing iyong nagring. Kinapa naman ni tita iyong kanya. Sinagot naman nya iyon.

"Hala nakalimutan kong sunduin si Gabin!" Halos mataranta sya nang sabihin niya iyon. Gabin? Ah! Iyong anak ng bestfriend nyang OFW din. Nagtext kasi iyon kanina habang nasa sasakyan daw kami. Umalis daw kasi siya kaya tinanong niya si tita kung pwedeng sya ang sumundo sa anak nya. Eh ayun nakatulog si tita sa sasakyan kanina dahil sa pagod kaya siguro nakalimutan nya.

"Signs of aging yan tita." Pang-aasar ko sa kanya. Sinamaan naman nya ako ng tingin kaya napatawa ako.

"Dahil dyan sign na rin na kailangan mong magexercise. Oh!" Inabot nya sa akin ang 3 nyang bag at susi. "Ikaw na magpunta sa room 422. Baka mamaya eh nakipaghabulan na naman iyong batang iyon!"

Magkocomplain pa lang sana ako nang tumakbo na sya pababa. Nasa 40+ na si tita pero ang physically active pa rin niya. Anyways, eto na nga. Mag-isa kong tinatahak ang hagdan papuntang 5th floor. Di naman ganun karaming hagdan pero mataas kasi ang bawat baitang kaya mahirap pa rin akyatin. Matangkad naman ako kaya nga lang ay di naman ako physically active kaya hingal na hingal akong nakarating sa 5th floor.

Nasa apat na rooms lang naman per floor kaya madali kong nahanap ang room 422. Pwede naman palang password ang itype pero baka nagiingat nga si tita na sabihin kanina dahil may mga taong nakatambay sa hagdan. Anyways ulit, naopen ko na ang pinto.

And halos mapanganga ako. ANG KALAT!

Nang makapasok ako, binagsak ko ang mga bags sa isang sofa at isinara muli ang pinto. Maganda naman ang design. Mga pastel colors ang nasa dingding at walang alikabok or sapot ng gagamba. Pero ang daming basura sa sahig! May tsitsirya, papel, at mga tissue.

Napaisip tuloy ako. Sa pagkakaalam ko'y malinis si tita Stella. As in palagi siyang naglilinis ganun. So kung nawala sya ng halos 1 linggo... what if may pumasok na magnanakaw? Tapos nung nakita nilang walang worth it na manakaw dito ay nagstay na lang muna sila kaya may mga ganitong kalat?

Agad-agad kong tinawagan si tita.

Ako: TITA!
Tita: Makasigaw ka naman. Bakit?
Ako: May magnanakaw atang pumasok!
Tita: HA?! WALA NA BA IYONG TV? REF? UNG MGA SOFA?!
Ako: Ehhh... andito pa naman po. Pero ang kalat kasi ng salas.

After noon, bigla nyang binaba ang tawag. Then  nakarinig ako ng nagriring na phone. Hindi naman akin iyon at syempre hindi kay tita. Uh-oh mukhang andito pa sila.

What if lumabas ako ng room at tumakbo? Tas punta ako sa police? Eh kaya lang nasa Paris nga pala ako! Meaning French sila dito eh di ako marunong nun! Atsaka hindi ko nga pala alam kung nasan ang police station dito.

*baaam*

Napatalon ako nang may marinig na parang nahulog. Nagdalawang isip pa ako kung putok ng baril pero parang hindi naman eh. Basta ang alam ko'y andito lang iyon sa loob ng condo ni tita!

Kinuha ko iyong walis tambong nasa gilid ng sofa. Kung ito 'man ang huling oras ko sa Earth, masaya na akong nakatungtong sa Paris. Pero gusto ko pa pong magawa ang mission ko rito at iyon ay ang makita si Lu! HUHUHU

Ilang segundo akong parang estatwang nakatayo pa rin pero hawak ko pa rin ang walis tambo. Nagdadalawang isip pa rin ako kung pupunta roon kung saan nanggagaling ang tunog na parang sa mga horror movies or tatakbo na lang palabas.

Aabante na sana ako nang makaranig ng pagbukas ng pintuan. Hala hala hala! Baka nagising na ung magnanakaw! Omg omg! ANUNA LAYF?!

Napaatras tuloy ako at di sinasadyang mabundol ng ulo ko ang switch ng ilaw na nasa tabi pala ng pinto. And then boom! Ang dilim na sa salas. Maggagabi na rin kasi. Ito na ba ang gabi ng lagim?

Tatalikod pa lang sana ako para buksan ang ilaw nang may marinig akong umubo mga di ko alam kung gaano kalayo sa akin PERO WALA NA AKONG PAKE DUN DAHIL ANG ALAM KO AY MALAPIT LANG IYON SA AKIN.

KAYA PINIKIT KO ANG MGA MATA KO, WINAGAYWAY KO SA HANGIN ANG WALIS TAMBO SABAY SIPA SA KUNG SAAN, AT NAGSUSUMIGAW.

Biglang may humawak ng walis tambo kaya naman ay natuod ako sa kinatatayuan ko. Nakapikit pa rin ako at mas nilakasan ko ang sigaw ko.

MA SORRY NA SA MGA PINAGGAGAWA KONG KALOKAN PERO SANA PALA DI MO AKO PINAYAGAN KUNG GANITO PALA ANG ENDING KO HUHU

Then nakaramdam ako ng something matigas at mabango na itinulak ang katawan ko papunta sa pader. Nang maramdaman ko ang pader sa likod ko, dumausdos ako pababa para sana makatakas.

At kasabay nang pagmulat ng mata ko'y bumukas din ang ilaw. And halos maluwa ko ang eyeballs ko sa nakita ko.

1... 2... 3... 4...

Halos singhot na singhot ko rin ang amoy na sabon. Pano ba naman, isang ruler lang ata ang pagitan ng mukha ko sa

*gulps*

a... ab...

*gulps intensifies*

abs

Nagpausdos ako pataas at ngayon nama'y ilang inches na lang ang pagitan ng mukha ko sa a-an-- angelic face ng lalaking ito na nakakunot noo.

Sana pala di na ako nagpadausdos pataas.

Nasampal ko na lang ang sarili ko sa isipan.

May time ka pang mag-isip nang ganyan ngayong di mo nga alam kung sinong gwapong lalaki ito?!

At kung ano ang number nya?!

Truth Untold (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon