6

1 0 0
                                    

Simula elementary, tinuturo na sa akin na ang nagbibigay sa Earth ng natural na ilaw ay ang Sun.

Pero sa ngiti ng lalaking ito, mukhang magbabago ang nasa history at mawalan ng trabaho ang araw. The sun is so cancelled.

"Hey dude!" Kumaway itong araw-- este itong driver sa likuran ko. Biglang pumunta si Reve sa harapan ko at nakipagbatian. Nagkaroon po ng Solar Eclipse.

"Why are you here?" Tanong ni Reve. Sumilip ako sa bandang balikat niya para makita iyong driver. Napansin naman niya ako kaya bumaling sa akin ang tingin niya.

"You're with someone. Uhmm wait a minute," bumaba siya sa pick-up at humarap sa akin. Effort naman hihi. "Bonjour!"

Nilahad nya ang kamay nya sabay sabing "Don't go with Reve. I'm richer."

Napakunot ang noo ko at tiningnan ko ang kamay niya pagkatapos ay si Reve. Nakita ko ang pag-irap niya sa taong nasa harap namin.

"That's a joke," sabi sa akin ni Reve. "His name is Richer."

Nang marealize ko iyon, tsaka ako muling tumingin kay 'Richer' at ngumiti. "Hahaha! Bonjour! I'm Aimee."

Naloka ako sa 'Don't go with Reve. I'm Richer.' niya ah. Infairness malambot naman kamay nya.

"Since someone wants to meet you and you're taking too long, i'm here to pick you up."

"Ah! That's why you're in a pick-up."

Ramdam ko ang tingin nilang dalawa nang sabihin ko iyon. Pinagpapalo ko na ng unan ang sarili ko nang marealize ko kung gaano kamema ng sinabi ko.

Napatawa si Richer which is an achievement dahil wala naman talagang tumatawa sa joke ko. Tumingin ako kay Reve at ito ang ekspresyon nya: -___-

Naglakad sya papunta sa likod ng pick-up dala ang isang bisikleta. Sumunod naman si Richer habang ako'y tumalikod at palihim na kinukurot ang sarili ko. Ayoko na ngang magjoke. Nakakahiya. Buti na lang tumawa si Richer. Di ko lang alam kung tumawa sya dahil nakakatawa or dahil naaawa sya sa kakornihan ko.

After nilang ayusin iyong sa likod, umupo na kami sa loob. Bale nasa gitna nila ako. Medyo maluwang naman kung ikukumpara sa punong jeep. Pero nakararamdam pa rin ako ng awkwardness. Di ako sanay sa presensya ng mga lalaki at idagdag pa na hindi ko sila lubos na kakilala. But I trust Reve.

Kung tutuusin naman ay mas matagal ko ng kilala sa Reve bago kay Richer diba? Atsaka kahit papaano ay nakita ko ang kind side niya. And kung may gagawin siyang kalokohan, kilala siya ni tita!

Tahimik lang kami. Nakafocus sa pagdadrive si Richer habang nakatingin sa labas si Reve. Saglit lang ay huminto na kami sa isang souvenir shop.

"You wanna come with me?" Narinig kong tanong ni Reve kaya bumaling ako sa kanya. Nagkatinginan kami at medyo malapit pa sya sa akin. Hindi ako nakasagot agad.

"Yes" iyan ang sasabihin ko pero napatango na lang ako. What is happening? Ayan na naman. Kalma Aimee.

Tumingin siya kay Richer. "You're coming with us?"

Napatingin din ako kay Richer. Well dapat titingin ako kay Richer pero hindi ko magawa. Nakatingin pa rin ako kay Reve.

Tiningnan ko siya mula mata hanggang makarating ako sa damit niya. Napahinto ako sa tatak ng damit sa harapan. Nakita ko na 'yon.

Umiling ako. Maraming may ganoong damit. Duh! Sa tingin mo ba Aimee, iisa lang ang ginawa ng factory na iyon?!

Bumalik muli ako sa mata nya at nagulat nang makitang nakatingin ulit sya sa akin.

Truth Untold (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon