7

1 0 0
                                    

Reve's POV

It was raining hard. Idagdag pa ang maingay ng mga sasakyang bumubusina sa labas. Marahil karamihan sa kanila'y late na sa pupuntahan o kaya ay naiinip. Halos kalahating oras na rin iyong traffic.

Napasandal na lamang ako sa kinauupuan ko at tumingin sa bintana. Halos wala akong makita sa labas dahil sa hamog na nasa bintana.

Using my bare hands, I wiped the moist. Then I saw two people. However, the girl dancing in the rain caught my attention.

Iisipin ko na sanang baliw ata 'to pero mukhang hindi naman. She's enjoying it. No, she's sad. Kahit basang-basa sya sa ulan, nakita ko ang mapupula nyang mata na nangangahulugang umiiyak sya.

Nakatingin pa rin ako sa kanya nang umandar ang sasakyan.

"Reve!" Agad akong napalingon sa kung sino ang tumawag sa akin. Si Richer lang pala. Tumingin naman ako sa labas at napagtantong nasa parking lot na kami ng condo. "You're thinking of her again huh?"

Napabuntong-hininga na lang ako. Napatingin ako sa katabi ko na kanina pa ata nakatingin sa akin. Nang tingnan ko rin sya sa mata, nagbaba sya ng tingin.

"Thank you for the ride even though we can take a bike." Bumaba na ako sa pick-up. Then may biglang pumatak sa pisngi ko. Tumingin ako sa ulap. Umaambon pala kaya siguro naalala ko ulit sya. So anong koneksyon niya sa ulap??

"Dude i don't like you getting tired." Richer said.

"Shut up Richer."

Hinarang ko ang kamay ko sa aking ulo upang hindi mabasa ng ambon. Hinintay kong bumaba itong si Aimee bago naglakad papasok sa condo.

"Sorry kung hindi tayo nakapaglibot ngayon. I'll treat you somewhere next time." Sabi ko at lumingon sa aking likuran na may ngiti sa aking labi. I know na nasungitan ko siya kaninang umaga pero sadyang naibaling ko lang sa kanya ang inis ko kanina. Ayoko namang isipin niya na masungit akong tao.

Nakangiti akong tumingon sa likod pero unti-unti rin iyong nawala nang marealize kong wala roon si Aimee. Mula sa malaking bintana sa hagdanan, tumingin ako sa parking lot. Andoon pa nga siya at nakikipag-usap kay Richer. They are actually all smiles and laughing at each other.

Hindi ba niya napapansin na lumalakas na ang ulan? Balak ba niyang magkasakit? So ano, ako ang mag-aalaga sa kanya dahil may pasok naman si tita?

Tumakbo ako palapit sa kanila. Kung hindi pa ako nagpekeng ubo, hindi pa niya ako mapapansing nasa likuran niya.

"You need to get something, right Rich? You're supposed to get the souvenir i got." I'm reffering to the gift I bought a while ago. Pinabalot ko pa kasi kaya hindi ko kinuha agad kanina. Atsaka i'm excited to see her tapos hindi naman pala magpapakita.

Sinamaan naman niya ako ng tingin. He hates it when I call him 'Rich'. Bumaling naman ako kay Aimee na masama ring nakatingin sa akin. "What? It's starting to rain Aimee."

"I'll go now Aimee. See you." Sabi ni Rich at nginitian itong babaeng nasa harap ko.

"O-okay. See you."

With that, umalis na nga si Rich. Saktong pagpasok namin sa may hagdanan, bumuhos din ang malakas na ulan.

"Do you like him?"

I honestly don't know where did that came from. Maybe because i'm being an overprotected bestfriend to Rich since I know how heartbroken he is when that happened.

Tumingin siya sa akin na parang tinanong kung ano ang pinagsasabi ko.

"You're smiling ear to ear when you talked to him. Masyado kang masaya." I said. Nilagpasan ko siya at naglakad na paakyat ng hagdan. Naramdaman ko naman ang pagsunod niya.

Truth Untold (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon