8

3 0 0
                                    

Kalma Aimee. Kalma.

"'Yan. Close na tayo. Pwede mo nang sagutin?"
"'Yan. Close na tayo. Pwede mo nang sagutin?"
"'Yan. Close na tayo. Pwede mo nang sagutin?"
"'Yan. Close na tayo. Pwede mo nang sagutin?"

Napasabunot na lang ako sa buhok ko... mentally. Hindi maprocess ng utak ko kung gaano kalapit sa kanya kaya siguro parang sirang-plakang umuulit iyong huli niyang sinabi.

"Ehem may bata rito ehem!" Parinig ni tita Stella.

Umatras ako mula sa kanya at napaiwas ng tingin. Umuulan naman sa labas diba? Bat ang init dito? Whoo!

"I-i'll just get this." Kinuha ni Reve iyong baso ng tubig na nasa tabi namin. Nagkatinginan kami ng kalahating segundo bago mag-iwas ulit ng tingin. Naglakad na siya papunta kay Gabin habang ako ay nakatayo pa rin doon. Napahawak ako sa isang upuan malapit sa akin dahil feeling ko ay nawala lahat ng energy sa katawan ko.

Tae. Tae. Tae. Ayoko ng ganito. Kalma. Kalma. Hindi maganda ito.

"Ohh malalaglag!"

Medyo napatalon ako ng marinig ang sigaw ni tita sa tainga ko.

"Tita naman eh!"

"Malalaglag 'yang baso." Pagpapatuloy niya pero may mapang-asar na tingin. Kinuha niya iyong baso at nagpunta sa salas.

Napabuntong-hininga na lang ako. Wala pa akong isang araw dito. That means hindi mo pa buong kakilala.

Hindi. Hindi. Hindi lang talaga ako sanay sa presensya nila. Diba nga puro babae ang mga kasama ko? Ganito ako kasi bago sa akin ang feeling na may ganoong kasama. It's not that big deal, Aimee.

Papunta na sana ako sa kwarto para makapagpalit ng damit nang marinig ang isang sigaw.

"TITA!"

For the i-don't-know time, aatakihin na naman ata ako sa puso dahil sa gulat. Pagkalingon ko'y nakita kong yakap-yakap ni Richer si tita Stella.

"Tita?" bulong kong tanong sa sarili ko. Tinuruan ba siya ng tagalog ni Reve? Or ganoon lang din talaga ang translation sa French?

Nasagot naman ang tanong ko nang magsalita muli siya.

"Na-miss kita tita! Nakalimutan ko na ata ang lasa ng luto mo. Tagal mo kasing bumalik." Nag-pout pa siya. I don't think alam niyang andito ako.

Nagulat ako ng tumingin siya sa akin at halatang nagulat siya. Subalit, binawi niya agad ito gamit ang isang ngiti.

"A-Aimee!" He sounds awkward. Nginitian ko rin naman siya. Lumapit siya sa akin. "I-i'm sorry."

"Bakit ka nagso-sorry?"

Nilagay niya ang kanyang isang kamay sa batok niya. Hindi rin siya tumitingin sa akin.

"Y-you know. Earlier. Uhmm..." nauutal niyang sabi. Nakatingin lang ako sa kanya. Hinihintay kong matapos ang sasabihin niya.

"Richer..." tawag ni Reve dito. "May kukuhanin tayo sa labas."

Lumabas na ito at sumunod naman si Richer. Nagkibit-balikat na lang ako bago pumunta sa kwarto para magbihis. Medyo malamig ang panahon kaya nag-pajama ako. Chineck ko na rin kung nagreply na si mama pero wala pa rin. I decided na si Miranda na lang ang ichat ko.

Miranda

HOY ANO NA ANG GANAP

ETO NA NGA! MAY TSIKA AKO!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 03, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Truth Untold (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon