4

3 0 0
                                    

Hindi ko alam kung ilang minuto na kaming magkatinginan sa isa't isa. Dapat sinasaktan ko sya diba? Like Aimee, may lalaking stranger sa condo ng tita Aimee and the worse is nakakulong ka sa mga bisig niya! Worse nga ba ...

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin dahil grabe makatingin itong lalaking ito. Napakaseryoso ng mata nya pero napakalalim din.

Napatilt sya ng ulo bago siya umalis sa pwesto na iyon. Pumunta sya sa may kusina (which is kitang-kita mula rito sa sala) at naghalungkat ng kung anu-ano sa mga kalat na andoon. Saglit akong nakahinga ng maluwag pero iyon na ata ang huli kong paghinga.

"Did you already eat?" Nakatingin siya sa akin. Kikiligin ba ako? Sana, kung hindi lang nakatutok iyong kutsilyong hawak nya sa akin! So papakainin ba muna nya ako bago niya ako katayin?!

Napailing akong todo. Nakadikit pa rin ako sa dingding. Katabi ko naman itong pinto. I should run outside. Baka may Filipino rito. Or kaya ko rin naman mag-explain in english. Kahit tumakbo sya papunta sa pwesto ko'y mauuna pa rin ako makalabas. Pero bakit ayaw gumalaw ng paa ko? I feel like hindi naman siya masamang tao. Pero Aimee hindi porket gwapo ay hindi ka na sasaktan!

Muli siyang tumalikod sa akin at nagsimulang maghiwa ng kung anuman iyon. Nakatingin pa rin ako sa kanya. Malay ko ba kung bigla akong sugudin diba? Sana talaga ay nagpaturo ako ng martial arts kay Miranda eh. Sabi naman nya ay masakit ako mangurot so pwede na siguro iyon na panlaban? Pero mukhang hindi rin. Habang nakatingin ako sa likuran ng lalaking ito, nakikita ko kung paano nagfeflex ang likod nya. Hindi naman siya sobrang muscular pero feeling ko ay kahit kurutin ko sya'y wala pa ring panama. Atsaka baka masugatan pa iyong kayumanggi'y balat nya.

Napailing ako dahil sa mga pinag-iisip ko. Aimee, nasa panganib na nga ang buhay mo, ganyan pa rin iniisip mo. Anuba!

"Eat this." Nagulat ako nang makita ko syang nasa harap ko. Wala naman syang hawak na kutsilyo pero mas napadikit ako sa may doorknob. Mukha namang nagtaka sya sa ginawa ko kaya. "You don't like sandwiches?"

Oo gwapo sya at hindi deadly weapon iyong hawak nya, pero malay ko ba kung may lason pala iyon.

"I won't poison you." Sabi niya na para bang binasa niya ang nasa isip ko at humakbang sya palapit sa akin. Tatangihan ko sana pero gumawa na ng sounds ang tyan ko. Uggh pinapahamak naman ako ng tyan ko eh. Pero kung sa bagay, kung mawawala ako sa Earth ngayon, mas maganda kung busog ako. Pwede kayang magrequest ng kanin at sisig?

Kinuha ko iyong sandwich. Tumalikod naman sya sa akin at nagunta muli sa kusina para maghiwa ng kung anuman. Inamoy-amoy ko naman ang sandwich na binigay nya bago kumagat ng isa.

"See? I won't poison you" napatingin ako sa kanya nang magsalita sya pero nakatuon pa rin ang atensyon niya sa hinihiwa nya. "...yet."

Muntik na akong mabilaukan nang sabihin niya iyon. SO BALAK NGA NYA?! HELP!

Biglang bumukas ang pinto ng condo. At dahil nakasandal nga ako rito, natulak ako palapit sa may kusina kung nasaan si kuya boi. Agad din naman akong napaatras. Muntik na naman akong mabilaukan dahil doon.

"KUYA!" Napalingon ako at ang unang pumasok ay isang bata. Napalingon din si kuya boi at niyakap iyong bata. Magtatanong pa lang sana ako sa isip ko nang makita ko si Tita Stella na kapapasok lang din ng pinto.

"Oh Aimee, nakainom ka na ng gamot?" Tanong ni tita sabay baba sa sofa noong bag ata ng bata. Doon ako nakahinga ng maluwag. Napatingin ako doon sa kuya boi. Bakit hindi nagulat si tita kay kuya boi? Magkakilala sila? Or what if ako lang pala nakakakita sa kanya? HALA!

Tumingin ako kay tita then kay kuya boi ulit. Tumingin din siya sa akin bago tumingin kay tita. Ngumiti siya rito.

"I gave her something to eat first. She needs to eat before taking medicine." Then kuya boi looked at me and gave me a small smile.

Truth Untold (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon