Halos magkandahulog siya sa pagmamadaling makababa ng LRT Edsa Station, kanina pa siya late sa usapan nila ng kaibigan nya, at alam na alam na nya ang ugali nito. Di na siya magugulat kung pagbaba nya sa may sakayan ng jeep sa gilid ng Chowking ay may maabutan pa siya na kausap doon. Malamang iniwanan na siya noon, nahihilo pa naman yon kapag madaming tao sa paligid na laging dumadaan daan sa harap niya. Kahit siya naman ay ganun din, kaso mas may pasensya siya kesa kaibigan nya, dahil na rin cguro may katandaan na ito.
Napangiti siya ng maisip ang salitang iyon. Everytime kasi na sinasbi nya na tanders na ang kaibigan ay umuusok ang ilong nito sag galit at inis sa kanya, na siya namang kinakatuwa nya. Parang ang lungkot lang kasi ng araw kapag di nya ito na bubully mapa-cellphone text, sa viber o sa facebook. Wala silang pinipili na lugar, pikonan na kung pikonan.
Nasa kalagitnaan na siya ng hagdanan ng makita nya ito sa may gilid ng nakaparadang jeep at kumakaway sa kanya. Dali-dali nyang binaba ang natitira pang baiting ng hagdanan para malapitan ito.
“Kanina ka pa ba jan ate” sinasadya nyang palambingin at ipout ang labi nya para paawa effect kung sakaling nainis na nga ito.
“Nope” sabay taas nito ng kilay. Knowing you Zelene, you are always 30 minutes late sa usapan kaya ina-adjust ko na din time ko.”
“Ang bad mo Ate!, paano pala kung sumunod ako sa takdang oras.” Angal niya sa sinabi ng kaibigan. Hinila siya nito sa loob ng nakaparadang jeep papunta ng MOA. Tamang-tama naman na dalawa na lang ang bakanteng upuuan at umalis na kaagad ito.
“Siguro kapag pumuti na ang uwak, saka pa lang mangyari yon’’ sagot ng ate nya sa angal niya kanina.
“ Heh, kahit kelan talaga, ang hard mo sa akin Ate.”
“ Hard ka jan, wait till we arrive, tingnan natin kung sinong mas hard sa amin ni Victoria, malamang kanina pa yon doon ano. Tsaka mahiya ka naman sa balat mo, mas malayo naman pinanggalingan ni Rheina sayo,pero pihado nandoon na din yon.”
“Kung maka-angal ka naman Ate, helloo...dalawa kaya tayo ngayong darating na late.”
“Aba, di ko na kasalanan yon, tsaka ako ang manlilibre ngayon, taya ko ngayon kaya walang isa man sa kanila ang magkakalakas ng loob na sitain ako.”
“Sus, gusto mo mag-overnyt kang mag-isa mo.”
“ayan ka na naman, ginagawa mo yang panakot sa akin eh! As if naman di ka nag-eenjoy na itakas kita paminsan-minsan.
“effective naman.”
Sa bangayan nilang dalawa ay di na nila napansin ang traffic na dinaanan papunta sa mall. Ganun silang dalawa kapag magkasama, akala mo laging may away.
Pagkahinto ng jeep sa harap ng mall ay dali-dali na silang bumaba, at binagtas ang daan papunta sa restaurant na napag-usapan nilang apat. Medyo may kalayuan din kasi yong kainan sa may babaan ng jeep, kailangan pang baktasin mo ang daan papunta sa may seaside. Habang naglalakad sila ay naisipan ni Jasmine na uriratin si Selene kung bakit siya natagalan.