Chapter 2

43 4 3
                                    

Zelene's POV

"Lunes na Lunes, late ka na naman, ano bayan Maam Zelene!" sabi ng kasamahan kung si Jared pagkabungad ko sa maliit na opisina namin sa likod ng dining.

"Ssssh, wag ka nga maingay jan Jared, andito na ba bagong boss natin?" saway ko sa kanya.

Muntik na akong mapalundag ng biglang may tumikhim sa gilid ng pinto katapat ng water dispenser. Parang gusto ko lamunin na lang ako ng sahig na kinatayuan ko ng mapagsino ko ang pinagmulan ng tinig na iyon. Wala ng iba kung hindi ang bago naming gwapong OM.

"Good Morning!" sabi nito sa nakakabinging katahimikan naming tatlo "since you are all here, we'll start the meeting in about 10 minutes, hintayin lang natin na darating si Sir Dennis."

Si Dennis ang area manager ng branch namin, isa pang nasasayang na nilalang sa mundo na pasado sa panlasa ko ang feslak sana kung di lang ito darna. Now I wonder, darna din ba itong si Sir Pogi namin?

I am currently employed as Resto Manager ng isa sa mga sikat na restaurant chain dito sa Meto Manila. Medyo may pagaka sosyal ang restaurant na ito at mga piling tao at may mga kaya sa buhay lang ang customer namin. Di kasi basta-basta lang na pagkain ang sine-serve dito kung hindi yong mga exotic at kaka-ibang mga putahe dito sa pilipinas, kaya dinadayo din ito ng mga foreigners.

Graduate ako ng kursong Hotel and Restaurant Management, pagka-graduate ko ng college ay sinuwerte akong mapasok sa isang sikat na fastfood chain sa bansa na dati ko na ding pinapasukan as part-time nung nag-aaral pa din ako. After 3 years of being a manager Trainee ay naisipan kung mag resign at magpalit naman ng environment kasi feeling ko di naman na umuusad ang buhay ko.

Sinuwerte naman na nagkita kami ng dati kung kasamahan noon sa fastfood at ipinasok ako nya sa bakanteng pwesto ng restaurant na kanyang pinasukan, hanggang sa naabot ko ang position ko ngayon.

Si Jared ay katulad ko din na manager pero siya ang in-charge sa kitchen and food, samantalang ako naman sa dining, sa mga waiters and customers. Ako din ang napapasabak sa mga mareklamong costumer kung meron silang problema sa service ng mga crew.

"Zelene, conference room na dali, nandoon na favourite manager mo, ihanda mo na ang mukha mo" hila ni Jared sa akin ng mapansin nya ako na nakatulala sa harap ng kape ko. Di pa rin kasi ako naka get-over sa hiya ko kanina.

Kasi naman ang gwapo ni sir! Kinikilig pa ako sa lagay na ito eh ang tanda ko na para sa crush crush na yan. Ganito na ba talaga kapag walang lovelife?

Napailing na lang ako sa mga naiisip ko. Hayyyy..buhay.

Pagkapasok namin sa loob ng silid na tinalaga para maging conference room ay napansin ko na nandoon na nga ang dalawang mga boss namin.

Nang mapansin nila na dumating na kami ay sabay silang dalawa na lumingon sa amin ni Jared.

"Zelene. Beautiful as everrrr" sabay kunwari nakipag beso-beso sa akin sa hangin.

Taking ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon