Chapter 3: My CCTV Girl

8 0 0
                                    

"Rejection?" tinignan nya ako mula ulo hanggang paa, pabalik sa mata ko, as if binabasa nya kung seryoso ba ako sa sinasabi ko.

Nag-iwas ako ng tingin, kasi para akong napapaso sa titig nya, feeling ko matutunaw na ako anumang sandali. Para akong nanlalamig na nagyeyelo sa uri ng pagtitig ni sir Ryell sa akin.

Binaling ko sa mukha ni Jared ang tingin ko at nakita ko sa mukha nya ang effect at intensity ng sinabi ko at di ko nakaligtaan ang pag-iling nya, tanda ng di pagsang-ayon sa pinaniniwalaan ko.

"Naman Te, luma na yan! Pinaglipasan na ng panahon ang kantang yan, nabenta na yan!" pabirong komento ni Jared, alam niya naging awkward sandali ang usapan naming tatlo.

"Ang alin!" tanong ko naman kay Jared. Minsan kasi di ko rin masakyan ang mga banat ng isang ito eh!

"Afraid for Love to Fade before it can come true" kanta nya sinabayan pa ng kumpas ng kamay. "naku Te, may revival na nga yan kay Christian Bautista."

"ay oo nga!, madagdag nga sa playlist ng buhay ko!''

"Parang alam ko ano title ng playlist mo."

"Ano?"

"NBSB, playlist ng mga tigang."

"And here we go again." Napailing na lang ako sa tinuran ng kaibigan ko. Kahit kelan wala akong mapapala na seryosong sagot mula sa baklang ito.

Hindi naman sa masyado na talaga akong atat na magka lovelife, "medyo" lang naman, kaso di ko rin kasi maiwasan mapaisip bakit ba kasi ang sakim ng tadhana sa akin pagdating sa lablyf.

Biruin mo si Jared kahit pa-Gurl lang nakakabingwit ng boyfriend, eh bakit ako wala man lang magkakamaling lumapit. Di naman sa pangit ako, di sa pagmamayabang may mukha naman ako, medyo may kaputian, makinis, ang kulang lang talaga sa akin tangkad, but it doesn't mean pandak ako, nakapatong naman sa 5foot ang hayt ko.

Napabuntong-hininga na lang ako sa tumatakbo sa isip ko, feeling ko tuloy, magre-resort to self-pity na naman ako sa araw na ito.

Ma text ko nga mga friendship ko...

Me: Hello Guyz! :-(

After ko na send sa kanilang tatlo ay iisa lang talaga ang nag-abalang mag-reply, at ang ikli pa. Isang letter lang with matching tandang pananong.

Me: Y so tipid ur reply?

Jaz: UTANG NA LOOB WAG KANG ISTORBO, THE RED LIGHT IS ON. LOL

Aba! Intense at CAPSLOCK ang reply.

Putspaaaa, tanghaling tapat, tirik na tirik ang araw at dumadamoves ang ate, siya na! Siya na talaga ang may lovelife.

Binalik ko na lang sa loob ng bulsa ng slacks ang cp ko. Wala din naman akong makakausap sa text ngayon, pihadong busy si Victoria sa kanyang shop baka nga sa oras na ito ay busy sa pag-babake ang babaeng yon. Si Rheina naman baka nasa loob ng planta at may inaasikaso sa trabaho.

Naglakad na ako pabalik sa dining area, kailangan ko na din kasing tingnan kung nakahanda na ang area, malapit na ang "RUSH TIME" namin, kapag papasok na ang 10:am kasi ang nagsisimula ng nagpapasukan ang mga kumakain.

Paliko na sana ako papunta doon ng mapadako ang tingin ko sa maliit na CCTV room na karugtong ng maliit na opisina namin. Di ko alam pero parang may bumubulong sa akin na dumaan doon, at dahil na curious naman ako sa biglang excitement na naramdaman ko ay pumasok ako, wala naman kasing tao, bibihira lang kami napasok at nagawi na mga manager doon.

Kapag may titingnan lang kami or may nawawala sa store or any related cctv thingy saka ako napapasok doon.

Walo lahat ang naka install na CCTV sa buong store kasama na pati ang sa delivery parking sa likod, isa-isa kong tinitingnan ang mga screen, sa lahat ng camera ang sa cashier counter at kitchen ang pinaka may clear na view sa lahat, yong tipong kung i zoom mo sa screen ay kaya mong basahin ang amount na nakasulat sa register.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 20, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Taking ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon