Chapter 49

95 1 1
                                    

Avoided

Siguro wala lang talaga.

Hanggang doon nalang kami.

Hanggang set-up nalang.

"Ba't namumula 'yang mga mata mo?" Ian asked me, nang makabalik siya.

Umiling ako. "Wala lang 'to," tanging nasabi ko. Kumunot ang noo niya sa 'kin.

"You have problems again, Blanche," sambit niya. "Kung ano man 'yan... it's best to talk it out, or just move on about it," he advised.

I showed a small smile. "Is it okay if I just move on about it?" I asked. "Ayoko kasing pag-usapan."

"Sure," he approved. Bigla naman siyang tumawa. "Nakakagulat ka rin paminsan-minsan, eh, 'no?" giit niya. Parang bumalik nanaman ang masigla kong mood. "Iniwan lang kita rito, tapos pagbalik ko, umiiyak ka na. Na-miss mo agad ako?" He laughed and laughed.

"Hindi umiikot sa 'yo ang mundo ko, 'no," sumbat ko.

"Eh, kanino? Kay Kenneth?" he mocked me.

Naalala ko nanaman siya. Nakakainis lang talaga 'tong si Ian. Pinagkakatuwaan nalang lahat ng mga love life namin. Pero kung siya ang pinagkatuwaan namin, biglang tatago sa isang tabi.

"It's neither," I said.

"Oh, edi si Naiser pala," he added.

"Not that quite, Ian," I responded.

"Yeah, whatever," sambit niya. "By the way, Leslie's inviting you to her party tomorrow," he informed me. "The whole batch rather. Pero 'di naman ako sure kung sasama 'yung iba 'cause... you know..." He pursed his lips, para 'di na ipatuloy pa ang sasabihin.

"They'll come," I said. "Leslie has also been their friend. Kaya posibleng pupunta rin sila," I added. I hope Leslie did invite the twins, Amanda, Elyse and Penelope. Kasama na rin ang mga ibang boys. Sayang naman dahil hindi makakasama si Monica.

"I hope so," sabi niya. "Alam kong pupunta ka talaga dahil may special part d'yan si Leslie sa puso mo," he recalled—na parang pinapaalala 'yung mga nangyari noong high school. Wala na sa 'kin 'yun, 'no.

"That memory was already left a long time ago, Ian," sabi ko. "Naka-move on na kami sa nangyari. We're in good terms now, we're civilized—"

"Woah, Blanche. Wala naman akong sinasabi, ah?" he cut me off. "Ang sabi ko lang naman ay may special part siya d'yan sa puso mo dahil... naging kaibigan mo siya!" he added, like he is mocking me. "Ikaw, ha. Naalala mo nanaman 'yung sa issue niyo with Kenneth noon. Nagiging mundo mo na talaga ang Jimenez na 'yon." Hindi niya talaga ako titigilan, eh, 'no? Ito rin ang ayoko sa lalaking 'to. Masyadong pakialamero sa buhay.

"Stop exploiting our issues with Kenneth," mariin kong sinabi. But the guy just laughed at me as a response.

In that moment at the mall, 'di ko rin na-encounter si Kenneth. Nakakapagtaka nga, eh. Nilibot na namin ang mall nang ilang beses, tapos lilibutin niya nanaman ngayon... with his girl. Sabagay... wala na rin siyang duty sa mga oras na 'to. He can really manage his time for his girlfriend—and that's not me.

It's just for pretend.

He assured me kung kaya ko bang mag-kunwari, and I said yes.

I guess he already found his someone.

And that's Ezra.

Shit. Why am I acting so bitter? Wala na rin naman ang feelings, diba? Put yourself together, Blanche. 'Yung mga nararamdaman mo noon ay nasa high school. Wala na sa current life mo.

The Plan (The Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon